Kabanata 38

570K 16.5K 6.2K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 38

Sa lahat ng namana ko sa Papa ko, bakit iyon pang konsensya niya? Sobrang lakas kasi. Hindi tuloy ako mapalagay dahil sobrang nagu-guilty ako dahil ilang araw ko rin na hindi pinapansin si Saint... And it wasn't as if it was intentional. Because it clearly wasn't intended. Gusto ko naman siyang kausapin din pero hindi ko alam ang sasabihin ko. My mind was everywhere. And I didn't think I could talk about my parents with him. That was a sore spot. And I didn't like sharing family problems with people outside my family. Pakiramdam ko kasi na kapag problema ng pamilya, dapat solusyunan sa loob din ng pamilya.

May narinig ako na katok kaya tumayo ako at binuksan 'to. Halos isang linggo na rin pala akong nakaka-kulong sa kwarto. Mabuti na lang at wala pa akong absent bago ito kaya nagagawa ko na hindi pumasok ng isang linggo...

"Ma'am, pinapa-abot po," sabi ni Manang tapos may binigay sa akin na paper bag. Tinignan ko iyong laman at mga papel na naman iyon. My heart constricted inside my chest. He was so good. He was too good! Paano ko pa siyang hindi papansinin kung sa araw-araw na iniiwasan ko siya, palagi pa rin siyang pumupunta dito at dala niya iyong mga notes sa klase ko? He was too thoughtful for his own good. And he wasn't making it any easier to hold a grudge against him.

Agad kong binaba iyong paper bag at saka tumakbo palabas. Para akong biglang nasilaw dahil medyo maliwanag sa labas. I had been camped up inside my room for too long that my eyes had to adjust to the light.

"Saint!"

Pakiramdam ko bigla na lang akong madadapa dahil sa bilis ng pagtakbo ko.

"Saint!"

Biglang huminto.

"Cohen?" tanong ko na naka-kunot ang noo. "Nasaan si Saint?"

"He asked me to give you the notes," he said. Tumango ako. "Ah, he's sick, that's why he asked me."

Napa-awang iyong labi ko dahil sa narinig ko. May sakit siya? Tapos hindi ko siya pinapansin?

"Kailan pa?"

"Last Wednesday," he replied. "Complete ba 'yung notes? He'd get mad at me kung kulang," he asked, worried. Matangkad lang talaga si Cohen pero halata na takot siya sa mga kuya niya. I wonder why.

Tumango ako sa kanya at saka nagpasalamat. I was so out of it. I felt really guilty dahil ilang araw na palang may sakit si Saint tapos ako ito, nagkukulong lang sa kwarto ko. If it were me, sigurado ako na aalagaan ako ni Saint.

"Wait lang, ha? Don't move," sabi ko kay Cohen tapos mabilis akong umakyat sa kwarto para magbihis. Good thing I took an early shower kaya nagpalit na lang ako ng damit. Wala pang sampung minuto nung makababa ako. Pero napa-kunot ang noo ko nung mapansin ko na si Cohen, ganun pa rin kung paano ko siya iniwan. "Bakit hindi ka naupo?"

"You said don't move."

What? What's his problem?

"And so?"

He shrugged.

"If you say don't move, I won't move," iyon lang ang sinabi niya. "Can I move now?"

Napa-tampal na lang ako sa ulo. Ganito ba talaga kapag bunso? Masyadong masunurin? Bakit hindi naman ganito iyong kambal? Sobrang gulo pa nga nila, e.

"Of course," I answered. "Didiretso ka na ba sa inyo? Pwedeng pasabay?"

He nodded at sabay kaming pumasok sa sasakyan niya. Habang nagda-drive siya, bigla kong naalala na wala man lang akong dala kahit na ano. I immediately asked him to stop at the nearest supermarket para makabili man lang ako ng kahit prutas.

Just The Strings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon