Kabanata 13

823K 24.8K 10.6K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 13

Nanalo sa laban sila Saint. Kahit na ilang beses silang binoo ni Kuya, nanalo pa rin sila. Ewan ko pero sobrang proud ako kahit hindi naman ako iyong naglaro. Pumalakpak pa nga ako nung nanalo sila, e.

"Sus. Kapag kami ang nananalo sa soccer, hindi ka naman pumapalakpak," nagtatampo na sabi ni Kuya.

"Oo nga. Ang unfair mo, princess," sabi naman ni Kuya Benj. "Magcheer ka naman sa amin. Nakakasakit ka na ng damdamin..."

Hala. Nagtatampo ba talaga sila dahil doon? Hindi ko naman kasi talaga maintindihan iyong soccer kahit ano'ng gawin ko. Para lang silang nagtatakbuhan sa magkabilang side ng field. At least sa basketball, medyo naiintindihan ko.

"Sorry," I replied. "Papalakpak na ako next time. Sorry po, Kuya and Kuya Benj."

Hindi pa ako tapos magpaliwanag pero hinatak na ako ni Kath.

"San kayo pupunta?" Kuya asked.

"We'll just congratulate our team na kanina niyo pa binabash," Kath sarcastically said. Inirapan niya rin sila Kuya.

"Critic kami, hindi basher," sagot ni Kuya.

Binigyan siya ni Kath ng whatever sign sa kamay.

"Matalo sana kayo sa first game niyo," sabi ni Kath.

Nagtinginan pa si Kuya at Kuya Benj bago nagtawanan tapos nag-apir pa silang dalawa na para bang isang napakalaking joke nung sinabi ni Kath... Pero simula nung pumasok sila Kuya sa soccer team, never pa silang natalo.

"Hindi naman kami bano kagaya ng basketball team," sabi ni Kuya Benj tapos nagtawanan na naman silang dalawa.

Sa sobrang inis ni Kath, napapapadyak na siya sa sahig. "Ugh! Nakakainis kayo!" sabi niya bago ako tuluyang hinatak. Sinabi ko pa nga na naiwan namin si Liza pero mukhang busy pa naman si Liza na kumain ng popcorn with Kuya Jackson kaya pinabayaan na lang namin.

"Ang epal talaga ng Kuya mo!" sabi ni Kath habang naglalakad kami papunta sa basketball team.

"Wag mo ng pansinin kasi..."

"E nakakainis kasi! He's so rude! Siguro ampon siya! You're nice naman, same as Tito Shiloah and Tita Imogen. The twins are very endearing. Tapos iyong Kuya mo sobrang epal!"

Nagsorry na lang ako in behalf of Kuya kahit na ako rin ay nainis sa ginawa nila kanina... Hindi naman namin sila pinilit na sumama dito tapos ganoon pa ang gagawin nila? Nakakahiya hindi lang sa mga ibang nanonood kung hindi sa mismong basketball team...

Pagdating namin sa court, medyo pinagkakaguluhan ng ilang mga babae iyong basketball team.

"Mamaya na lang..." sabi ko kay Kath. Ayoko namang sumingit sa kanila.

"Tara na!"

"Marami pang tao," I replied. "Tsaka busy pa sila."

Inirapan ako ni Kath tapos umiling pa siya. "If this was before, okay lang. But you're his wife now. Duh! Kumbaga sa concert, VVIP tayo with meet and greet pass pa!" sabi niya tapos hinila ako. Talagang may mga hinawi pa na babae si Kath para makarating kami sa pwesto nung GDL brothers.

Syempre ang una naming nilapitan ay si Psalm.

"Congrats!" sabi ni Kath. Ang taas na naman ng energy niya.

"Thanks," sagot ni Psalm.

"Ang galing mong maglaro kanina..."

Hindi ko alam pero nahihiya ako para kay Kath kahit wala naman siyang ginagawa... Masyado lang kasing obvious na crush niya si Psalm. Imposible na hindi mapansin ni Psalm dahil obvious talaga.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now