Kabanata 11

808K 24.4K 15.1K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 11

Sobrang saya ni Kath dahil nasalo niya iyong bulaklak... na akala mo hindi scripted ang lahat. Siguro kung hindi lang nakakahiya, aayain niya na talagang magpakasal ang Kuya ni Saint. Tinanong nga rin niya iyong mga may-ari ng booth kung mayroon din daw ba na garter kasi gusto niya raw na isuot sa legs niya ni GDL # 1 if ever... 

Katabi ko si Saint at hindi ako makagalaw ng maayos. Ewan ko pa pero ramdam ko pa rin 'yung labi niya sa kamay ko. Sobrang weird na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

Hindi naman sa nag-eexpect ako na sa labi niya ako halikan pero... ay, ewan.

"Bagay ba?" he asked while showing me his ring. Kulay white lang naman na plastic ring iyon pero parang ang saya niya tignan. "It doesn't fit my finger well. Can this be adjusted?" he asked himself tapos tinanggal niya iyong ring at tinignan kung pwede bang ma-adjust.

"Parang hindi yata, e," sagot ko sa kanya kasi tinignan ko 'yung akin.

"Really?" he asked and then hinawakan niya iyong kamay ko. Pinabayaan ko siya na tignan iyong singsing ko dahil pinipilit niya na dapat pwedeng iadjust dahil hindi kasya sa kanya.

Biglang lumapit sa amin si GDL # 1.

"Congrats," he said to me with a smile.

Kahit weird dahil hindi naman ako talaga kinasal, sumagot na lang ako. "Thank you," I replied.

"Can I borrow my brother for a while?"

I nodded at saka iniwan ko silang dalawa. Nagsimula silang mag-usap pero in Spanish. Parang 'yun talaga ang medium of communication between the two of them. Kailangan ko na yatang i-polish ang Spanish skills ko kung gusto kong maintindihan ang mga sinasabi nila.

Habang may ibang kausap si Saint, nilapitan naman ako ni Kuya. Masama ang tingin niya sa akin na akala mo pinagtaksilan ko siya.

"Galit ka?" I asked him. Kanina kasi habag kinakasal kami ni Saint, hindi ako makatingin kay Kuya. Baka kasi kapag nakita ko 'yung mukha niya, bigla na lang akong tumakbo. Ayoko kasi talaga na nadidisappoint sa akin ang pamilya ko.

Hindi siya sumagot. Mas kinabahan ako. "Si Kath kasi, pinilit lang ako..."

"Tss. Pinilit pero kanina ka pa naka-ngiti," sabi niya.

"Hindi, ah."

Nilagay niya iyong kamay niya sa mukha ko. "Ayan, oh. Naka-ngiti ka na naman."

Inalis ko 'yung ngiti sa mukha ko tapos sumimangot ako. "Ito. Okay na?"

He huffed tapos inakbayan ako. Ginulo niya 'yung buhok ko tapos iyong akbay, ginawa niyang kasal. Habang sinasakal ako ni Kuya, lumapit sa amin si Saint at ang Kuya niya.

"I better get going," sabi ni Psalm. Tinanguan niya si Kuya at tumango din naman si Kuya sa kanya. Mukhang magkakakilala naman pala talaga silang lahat pero hindi lang talaga sila friends. Nasa iisang gym lang din naman kasi sila nagpapractice kaya hindi na rin nakakagulat. Tsaka madalas may party ang varsity members kaya nasa iisang circle lang talaga sila.

Nagpaalam din si Psalm kina Kuya Benj tapos nung aalis na siya, nagsalita si Kuya.

"Di ka rin aalis?" disappointed na tanong ni Kuya kay Saint.

Saint shrugged. "Why would I? My wifey's here."

"Fake lang 'yun. Feelingero nito masyado. Tsaka tigilan mo nga kaka-wifey mo. Kadiri."

Ilang segundo rin na kung anu-ano ang sinabi ni Kuya kay Saint at mukhang wala namang pakielam si Saint. Nakatayo lang siya doon at pinapabayaan si Kuya na magsalita. Parang lumalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga sinasabi ni Kuya.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now