Kabanata 6

761K 22.1K 16K
                                    


#JustTheStrings

Kabanata 6

Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakakahiya!

"Oh, my god! Maria Imogen!" sigaw ni Kath. Napatingin tuloy sa amin lahat ng katabi naming lamesa. Kung kanina, hindi nila alam na ako iyong tinutukoy ni Saint, ngayon alam na nila.

"'Yung boses mo," sabi ko kay Kath.

Ibinagsak niya 'yung tray ng pagkain na dala niya at saka naupo. Inilagay pa niya iyong dalawa niyang kamay sa baba niya at saka nginitian ako.

"You, ha! Nawala lang kami ni Liza ng one week, may guy ka na! Sino 'yun?" tanong niya sa akin.

Tinignan ko si Liza para humingi ng tulong pero kibit balikat lang ang sagot niya sa akin. "Don't look at me. I don't even have an inkling about what's happening," Liza replied.

Nakatingin sa akin iyong dalawa kong kaibigan at hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos mapatalon pa ako nung biglang magring iyong cellphone ko.

"Patay ka," sabi ni Kath habang sabay kaming nakatingin sa screen at nandun ang pangalan ng Kuya ko.

Hala ka! Si Saint naman kasi, e! Pinahamak pa ako!

Inilapit ko sa kanila iyong phone dahil hindi ko kayang sagutin. Natatakot ako dahil panigurado magagalit si Kuya!

"Ayaw nga namin! Your Kuya's the sweetest but he turns batshit crazy when it comes to guys roaming around you," sabi ni Kath at saka tinulak pabalik sa akin iyong cellphone ko. Sa sobrang kaba ko, pinatay ko na lang iyong phone. Bahala na mamaya! Hindi ko lang talaga siya kayang kausapin ngayon.

Tawa nang tawa sina Liza nung pinatay ko iyong phone ko. Grabe talaga sila. Natutuwa pa sila na problemado ako.

"I'm really curios about this guy, huh. He has some balls."

Liza nodded. "Everyone here knows how protective your brother is of you. E kung si Parker nga na best friend niya, binugbog niya before, e..."

Ayoko na nga maalala iyong gabi na 'yun pero palagi na lang nilang binabanggit. At isa pa, ayaw ko munang alalahanin si Parker dahil may mas malaki akong problema!

Kinulit nila ako ng kinulit hanggang sa matapos ang break namin. Hanggang sa classroom, ayaw nila akong tigilan. Mabuti na lang nagkaroon ng group activity at sa magkakaibang grupo kami napunta kaya kahit papaano, nagkaroon ako ng peace of mind.

"Hindi mo talaga sasabihin?"

I shook my head. Mas lalo lang nila akong hindi titigilan kapag sinabi ko sa kanila. At saka nag-iisip pa ako ng dahilan ko kay Kuya kung bakit hindi ko sinagot iyong tawag niya. Lately talaga dumadami na iyong pagsisinungaling ko... Kailangan ko ng magkumpisal.

"Pahiram naman ng phone."

"Bakit?" tanong ni Kath.

"Nakapatay pa rin 'yung akin, e. Tatawagan ko lang si Papa," sabi ko. Tinawagan ko si Papa at sinabi na papasundo na ako kay Manong. Hindi ko mabuksan iyong phone ko kasi natatakot ako sa kung ano ang mabasa ko ngayon. Maswerte nga ako na hindi ko pa rin nakakasalubong si Kuya ngayon, e. Pero for sure makikita ko siya sa bahay mamaya kaya lagot pa rin ako.

Sinamahan ako nila Kath and Liza na maghintay kay Manong pero iniwan din nila ako nung makita nila si Parker na papalapit. Sinenyasan pa nila ako ng patay ka tapos nagtatakbo sila paalis. Grabe talaga!

"Hello," bati ko sa kanya. Naka-suot na siya ng soccer uniform niya kaya dapat nandun na siya sa field pero nandito siya sa harap ko.

"Are you really that close to him?"

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now