Kabanata 30

757K 23.2K 11.8K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 30   

Hindi na kami nagkaroon pa ni Saint ng pagkakataon para ituloy iyong date namin dahil naging busy na siya. Finals na pala ng basketball. Ni hindi ko man lang alam. Medyo na-guilty tuloy ako dahil parang wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay niya... E palagi naman kaming magkasama. At saka palagi naman akong nasa basketball court. Kasi naman kapag nandoon ako sa court, na kay Saint lang iyong mata ko. Hindi ko napapansin iyong ibang nangyayari kaya hindi na dumaan sa isip ko na may championship nga pala.

Hala! E 'di palagi pala silang panalo dahil nakaabot sila ng championship? Tapos ni hindi ko man lang siya nabati ng congratulations kahit isang beses.

Nakatulala ako habang naglalakad kami nila Kath papunta sa next class namin. Imbes tuloy na magconcentrate ako sa final exams namin, ito ang iniisip ko.

"Earth to Mary?"

Nagising ako mula sa malalim ko na pag-iisip nung bigla akong siniko ni Kath.

"Bakit?" I asked.

"May bato sa harap mo kaya," sabi niya sabay turo doon sa bato. Hala, oo nga. Muntik na akong madapa doon, ah. Masyado na yata talagang malalim ang iniisip ko. "Anyway, ano iyong sagot kanina sa number 5? Ang kulit kasi ni Liza. What's the sense ba na malaman mo iyong correct answer e tapos na iyong exam?"

"So that I wouldn't make the same mistake twice."

Sinabi ko na lang iyong sagot sa tanong habang silang dalawa, patuloy pa ring nagtalo tungkol sa sinabi ni Liza. Tama naman si Liza, sa palagay ko. Sabi kasi nila, fool me once, shame on you. But fool me twice? Shame on me. Tapos sabi ni Kuya, shame me thrice, magpakamatay na raw. Pero hindi ako naniniwala kay Kuya kasi mas madalas naman na hindi totoo iyong sinasabi niya.

Mabilis lang natapos iyong araw dahil halos puro final exams na lang naman iyong ginagawa namin. Hindi ko nga alam kung mayroon bang special instructions para sa mga varsity players dahil first time yata ngayon na sabay iyong academics finals sa finals ng mga games. Ang hirap namang pagsabayin nung dalawa na 'yun.

Pag-uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil naka-ayos sila Mama.

"Saan po pupunta?" I asked. Umuwi pa naman ako ng maaga dahil balak kong pumunta sa mall kasama si Finley at Riley. Si Riley kasi, top 1 sa class nila. Actually tie talaga sila sa points pero mas lumamang lang si Riley dahil si Finley, mababa ang grades sa moral and conduct. Palagi niya raw kasing inaaway iyong mga classmates niya and teachers.

Si Finley naman, naka-simangot.

"Ngayon 'yun?"

Finley and Riley nodded.

"But I want to watch Kuya Saint's game!" sabi ni Finley.

"Finley," saway ni Mama. "We'll watch Kuya's game first."

"But Kuya's bano."

"Finley!"

"What's bano?" tanong naman ni Riley.

"If you watch Kuya play, you'll know what bano is," paliwanag naman ni Finley sa kakambal niya.

Kaya pala si Riley, naka-suot ng mini soccer uniform habang si Finley, nakasuot ng mini-basketball uniform. Hanggang makarating nga kami sa venue e pinipilit ni Finley na sa game na lang ni Saint kami pumunta.

"Ate, you won't watch Kuya Saint's game?" Finley asked.

Kanina ko pa nga hawak iyong phone ko, e. Nagtetext ako kay Saint pero hindi naman siya sumasagot. Alam ko naman na hindi talaga siya humahawak ng phone kapag naglalaro siya ng basketball, e. Dati nagtatampo pa ako kapag hindi niya ako na-rereplyan pero dahil napapanood ko na siya habang nagte-training siya, na-realize ko na masyado nga siyang invested sa laro kaya hindi niya talaga nahahawakan iyong phone niya.

Just The Strings (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora