Kabanata 31

685K 22.6K 9.1K
                                    

#JustTheStrings 

Kabanata 31

I joined the victory party. Saint was asking me kung saan ko gustong pumunta pagkatapos ng assembly. Gusto ko sana na kaming dalawa na lang pero ayoko naman na kuhanin siya mula sa mga teammates niya... At saka ayoko naman na lapitan din siya nung babae na kasing ganda ni Cindy kaya sasama na lang ako. Kahit na sigurado ako magtatampo na naman si Kuya dahil never akong pumunta sa victory party nila, hindi ko na lang inisip masyado.

At dahil mamayang 9pm pa naman iyong start ng party, hinatid muna ako ni Saint sa bahay. Pagdating namin doon, walang tao.

"Where are they?" Saint asked.

I shrugged.

"Baka kasama ni Kuya..."

"And you're not with them? Preston will kill me," sabi niya.

"Takot ka ba kay Kuya?" I asked.

He shook his head.

"But he's your brother so it's not fear but more on respect," he replied. Nung masigurado namin na wala talaga sila Mama sa bahay, ayaw na akong iwanan ni Saint dahil mag-isa lang daw ako dito. So he insisted that I change clothes and then we'd eat out bago pumunta sa party. Pero biglang namroblema naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang isusuot ko.

Kath and Liza were both unavailable kaya hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. I wanted to ask Saint's opinion but he was adamant on not going upstairs. Sa ilang beses na nakapunta siya sa bahay namin, palaging hanggang 1st floor lang siya. Ayaw niya talagang umakyat kahit ano ang gawin ko.

So I sat on my bed and did my research. Sabi ni Saint ay sa The Palace Pool Club daw kami pupunta so I googled kung ano ang proper attire para sa mga pupunta doon. I was doing my research nung biglang kumunot ang noo ko nung biglang makita ko na required na naka bathing suit. Hala ka. Kung pakiramdam ko kanina ay maiinis lang sa akin si Kuya dahil mas inuna ko si Saint, ngayon ay sigurado na ako na magagalit siya kapag nagsuot pa ako ng bikini.

I could clearly picture him. He'd be fuming mad. Kulang na lang siguro ay may lumabas na usok sa tenga at ilong ni Kuya.

Naka-upo lang ako sa kama. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Siguro sobrang tagal ko na sa kwarto ko kaya biglang tumawag si Saint sa Facetime.

Saint Iverson Gomez de Liaño

calling...

"Not yet done?" he asked.

Umiling ako.

"Is there any problem?" he asked, worried.

I took a deep breath. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Saint iyong problema ko dahil lalaki siya. Kahit naman sobrang comfortable na namin sa isa't-isa, palagay ko e hindi tama na sabihin ko pa sa kanya iyon. Kung bakit naman kasi hindi sumasagot sila Kath sa tawag ko, e.

"Saan nga ulit tayo?" I asked again, in hope of the possibility na baka mali lang ako ng rinig. Baka hindi naman sa pool club kami pupunta at pwede na normal lang na damit ang isuot ko. Kung dati nga na sa normal na club lang e nahirapan na ako sa suot ko, ngayon pa na mas mahigpit ang dress code?

"Pool club," he replied. The expression in my face must've been very noticeable kaya napansin agad ni Saint kung ano ang problema ko. "Are you worried about what you'll wear?"

I sighed. That was my answer. Tapos tinawanan niya lang ako. Palibasa lalaki siya kaya kahit topless lang pwede na. Tapos may abs naman siya kaya wala talaga siyang problema. Ang hirap naman maging babae. Lalo na kapag may formal occasions kami na pupuntahan. Ako palaging iba-iba ang damit pero sila Kuya, tux lang o kaya suit and tie pwede na. Si Mama lang ang nag-e-enjoy dahil ginagawa niya akong barbie.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now