Kabanata 27

799K 20.8K 12.5K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 27

"Do you think you can fall for someone over and over again?" seryosong tanong sa akin ni Saint habang sinusulatan ko iyong form para sa donation ko. Dinonate ko kasi iyong buhok ko para sa mga cancer patients... Ang haba rin kasi nito at saka never naman akong nagpakulay bukod sa ngayon.

"Hindi ko alam," sagot ko sa kanya.

"I think it's possible. Because I'm just falling again," sabi niya. Tinignan ko siya tapos naka-ngiti siya sa akin.

"Bakit ka naka-ngiti?"

Mas lumawak lang iyong ngiti niya.

"You're so perfect, alam mo ba 'yun?" biglang sabi niya. Hindi ko maintindihan si Saint. Sobrang saya niya ngayon simula nung magpakulay kaming dalawa ng buhok. Kung alam ko lang na ito lang pala ang magpapasaya sa kanya, e 'di sana matagal ko na siyang inaya na magpakulay ng buhok.

Kumunot ang noo ko.

"Ang weird mo ngayon."

Ngumisi naman siya sa akin tapos isinandal niya iyong gilid ng katawan niya doon sa may reception table. Ipinatong niya iyong braso niya sa table at saka inilagay sa ilalim ng baba niya iyong kamay tapos tinignan niya ako. Medyo nailang ako kasi nakatitig talaga siya sa akin tapos hindi pa siya kumukurap. Ang weird niya talaga.

"I'm your weirdo."

Kinagat ko iyong ibabang labi ko para pigilan iyong pagngiti.

"Bakit nga?" I urged him again.

"Bakit ano?"

"Bakit ang saya mo ngayon?"

"I don't know... I just didn't believe that my wish will be granted."

Kumunot naman iyong noo ko.

"Ano'ng wish?" I asked.

"You. You're everything I wished for."

Biglang nahigit iyong hininga ko dahil sa sinabi ni Saint. Sobrang nakatitig siya sa mga mata ko kaya iyong kabog ng puso ko, hindi ko na maintindihan. Ilang segundo lang kaming naka-titig sa mga mata ng isa't-isa hanggang sa unti-unti siyang ngumiti. Tumayo siya nang maayos at saka inilagay iyong kamay niya sa pisngi ko.

"I wished for someone who's beautiful inside and out, someone who shares my faith, someone who loves her family as much as I love mine, and someone who cares about other people," sabi niya habang naka-tingin sa mata ko. "And you're so much more, Mary Imogen Suarez. So much more than what I prayed for."

Nagtubig na iyong gilid ng mga mata ko dahil sa sinabi ni Saint. Bigla na lang kasi siyang nagsasabi ng mga ganito! Palagi niya na lang akong ginugulat!

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya pa. Siya kaya ang nagpa-iyak sa akin! Sino ba ang hindi maiiyak sa mga sinabi niya? Pakiramdam ko tuloy lalong ang swerte ko dahil nakilala ko siya. Hindi ko alam na ganito pala iyong nararamdaman niya. Parang sobrang nakakalunod pero kung siya naman, ayos lang sa akin na malunod...

"Ikaw kasi, e..." sabi ko habang humihikbi.

"What? Ano na naman ang ginawa ko?" nag-aalala niyang tanong.

I smiled while wiping my tears.

"Pinaiyak mo ako sa sinabi mo," I said. "Ano ba kasi ang nakain mo? Bigla ka na lang naging ganon."

Biglang napa-ngiti na ulit siya kasi kumunot iyong noo niya kanina nung nakita niya akong umiiyak.

"Wala. I just realized how lucky I am to have found you. Saan pa ba ako makakakita ng babae na magdodonate ng buhok sa cancer patients? Ikaw lang yata," sabi niya at saka inakbayan ako. "Thank you dahil sumakay ka sa sasakyan ko dati kahit akala ko nung una carnapper ka."

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now