Kabanata 26

814K 23.4K 18.9K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 26

"That's not true."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya. Tuluy-tuloy na 'yung pag-agos ng luha ko dahil sa mga naririnig ko kay Parker. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin ko.

"I was never happy, Parker."

"We were happy," pagpilit niya. "Hindi mo na ba maalala? Ha? Sobrang nag-iba ka na ba?"

Inilagay ko iyong kamay ko sa mukha ko at pilit na pinunasan iyong luha ko. Pinilit ko na 'wag umiyak kanina kasi ayoko na makita niya akong sobrang apektado sa mga sinabi niya. Ang sakit kasi, e. Ang sakit na iyong tao na ilang taon mong minahal, ni wala man lang pakielam sa nararamdaman mo... Na ngayon na masaya ka na talaga, gusto ka nilang hilahin pabalik sa pinanggalingan mo. Hindi ba pwede na masaya naman ako? Kailangan ba siya lang iyong masaya palagi?

"Hindi nga ako masaya! Palagi akong umiiyak dati, Parker! Palagi mo akong pinapaiyak! Hindi mo alam, 'di ba? Kasi hindi mo naman ako tinitignan! Ni hindi ka lumilingon para makita man lang ako. Palagi mong sinasabi na hindi mo ako gusto, na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan. Tapos ngayon na ayos na ako, na masaya na ako, gusto mo akong hatakin pabalik?" tuluy-tuloy kong sabi kasabay ng pagtulo ng luha ko. Wala na akong pakielam kung umiyak ako sa harap niya. Gusto ko lang ilabas lahat ng nararamdaman ko. Iyong ilang taon na sakit na binigay niya sa akin, gusto ko lang sabihin sa kanya.

Kasi sobrang sama niya. Sobrang sama niya para sabihin na masaya ako dati.

Kasi akala ko masaya nga ako dati. Pero nakilala ko si Saint.

At nalaman ko na ganoon pala iyong pakiramdam ng pagiging masaya.

"Bakit ganyan ka?" mahinang tanong ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin at hindi nakasagot.

"Bakit ayaw mo akong maging masaya?"

Hindi siya nagsalita. Pinunasan ko iyong isa pang luha na kumawala sa mata ko.

Sinubukan kong ngumiti kasi ayoko na ito 'yung tatapos sa pagkakaibigan namin ni Parker. Buong buhay ko, kasama ko na siya. Ayoko na sa ganito lang matapos lahat.

"So you're choosing him?"

Napatingin ako sa kanya.

"I'm choosing him?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"You're choosing him over me?"

I smiled as tears fell down.

"Parker, you were my choice almost all my life... But I wasn't yours. And now, I'm choosing myself. So please don't take this against me. Gusto ko lang maging masaya."

Mabilis akong umalis sa bar matapos iyong pag-uusap namin ni Parker. Ni hindi ko nagawang hanapin pa sila Kuya dahil ayoko na makita niya akong umiiyak. Kahit na sobrang galit ako kay Parker nung panahon na 'yun, hindi ko gusto na magkasira na naman sila ni Kuya dahil sa akin... Labas si Kuya sa problema namin ni Parker. Ayoko na madamay siya.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag-iyak.

Hindi ba talaga mahalaga 'yung nararamdaman ko?

Nanatili lang ako na nakaupo doon. Hindi alam kung saan pupunta. Nakaupo lang ako sa labas habang tumutulo iyong luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil ang sakit-sakit ng mga narinig ko. Hindi ko akalain na sa lahat ng tao, siya pa iyong magsasabi sa akin 'nun.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now