Kabanata 14

752K 25K 17.5K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 14

Hingal na hingal ako pagdating ko sa bahay. Hindi kasi ako tumigil sa pagtakbo hanggang makarating ako doon. Hindi rin ako lumingon sa likod ko dahil sa takot ko na nakatingin sa akin si Saint. Baka kasi maiyak ako sa sobrang kaba.

God, I had never run this fast in my entire life! Ramdam na ramdam ko iyong mabilis na tibok ng puso ko sa loob ng dibdib ko.

Pagdating ko sa bahay, nagulat sa akin si Finley dahil hingal na hingal ako.

"Ate, are you okay?" he asked me.

I nodded.

"I'm okay, baby. Nasaan sila Papa?"

Tinuro niya iyong loob.

"We just finished eating kasi sabi mo raw kumain ka na," sabi niya pa. I nodded and then patted his head. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero hindi ko nakita sila Mama. Baka nasa garden at umiinom sila ng tea ni Papa. Nakagawian na kasi nila na uminom ng tsaa pagkatapos kumain. Kaya dumiretso na muna ako sa kwarto ko.

Pagdating ko sa loob, agad akong nahiga sa kama. Grabe. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko! Para akong sumali sa marathon dahil sa sobrang hingal ko. Ramdam na ramdam ko rin iyong adrenaline rush. Ganito pala ang pakiramdam nun. Sobrang nakaka-excite na hindi ko maipaliwanag... pero ang saya sa pakiramdam.

Nahiga ako ng ilang minuto bago ako nagdesisyon na tumayo at pumunta sa CR para maglinis na ng katawan. Pumunta na ako sa CR at nagsisimula na akong maligo pero si Saint pa rin ang nasa isip ko. Pilit kong hindi siya inisip dahil hindi tama na siya ang nasa isip ko habang naliligo ako... Papagalitan ako ni Father kapag nalaman niya na ganito ang nasa isip ko.

Pagkatapos nun, nagbihis na ako at nahiga sa kama. Sobrang malala na yata ako. 20 minutes na ang nakakalipas pero iyong epekto, parang kanina lang... Pumikit ako tapos bigla kong naramdaman na nagvibrate iyong cellphone ko. Tinignan ko iyon at nakita ko na may chat si Saint.

Saint Iverson Gomez de Liaño: Hey, Mary...

Bubuksan ko ba?

Pero paano kapag tinanong niya ako kung bakit ko siya hinalikan? Wala naman yata akong masasagot doon!

Hala, paano na 'to?

Ilang minuto rin na nakatingin lang ako sa cellphone ko at nag-iisip kung ano ang gagawin ko. At sa tagal ng pag-iisip ko, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Tumayo ako at binuksan iyon. Nandun si Kuya.

"Baba ka na," sabi niya. Tumango ako. Nagsimula na akong maglakad nung bigla akong tawagin ni Kuya. Huminto ako at saka tinignan siya. Gusto kong kausapin si Kuya pero hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula... At saka puro iba pa rin iyong nasa isip ko. Magsosorry naman ako pero baka bukas na lang.

"Imo," pagtawag niya sa akin.

"Po?"

Huminga siya nang malalim.

"I was a jerk. Sorry."

Kinagat ko iyong ibabang labi ko.

"Sorry din, Kuya... Hindi ko sinasadya na magtaas iyong boses kanina..."

"It was my fault. Pikon lang talaga ako," sabi niya tapos tumango ako dahil totoo naman.

"Magiging okay na kayo ni Saint?" tanong ko sa kanya. Iyon lang naman kasi ang gusto ko... Iyong maging ayos sila ni Saint dahil hindi magandang pakinggan kapag palagi silang nag-aaway. Kaibigan ko si Saint tapos Kuya ko siya kaya hanggang maaari, gusto ko na maayos sila... Hindi naman siguro mahirap gawin iyon.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now