Kabanata 21

793K 24.5K 21.1K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 21

"...thank you po sa pagpunta. Sana nag-enjoy kayo."

Sobrang nangangatog iyong tuhod ko noong nagsalita ako sa harap. Pagkatapos kasi ng main program, sinabi ni Miss Carmie na dapat akong magsalita. Ayoko nga kaya lang nakakahiya naman sa mga pumunta... Kaya kahit halos himatayin na ako sa sobrang kaba, tinuloy ko na lang. Sabi ni Papa kapag kinakabahan na daw talaga ako, isipin ko sapatos lang iyong mga tao sa harap ko. Ginawa ko nga siya kaya ngayon, nakatitig ako sa iba't-ibang klase ng mga sapatos.

Pagkatapos kong magsalita, bumalik na ulit iyong tugtog. Inannounce nung event host na start na raw ng after party kaya open na iyong mobile bar aka Potions Class ni Professor Snape. Pwede rin silang maglaro doon sa Weasleys' Wizard Wheezes na may kung anu-anong practical pranks na nakalagay. Pero paborito ko iyong part na pwedeng maglaro ng Quidditch. Meron ding Golden Snitch! Ang galing talaga ni Miss Carmie, sobrang appreciated ko. And aayain ko nga mamaya si Kuya para at least, ma-feel ko na nakalaro ko si Harry sa Quidditch match.

Una kong nilapitan si Mama at Papa. Niyakap ko silang dalawa.

"Thank you po," I said while enveloping them in a hug.

"Nag-enjoy ka ba?" Papa asked and I could only nod. He smiled and then patted my head. Pareho sila ni Kuya na mahilig tapikin iyong ulo ko. Iyon lang talaga ang namana ni Kuya sa kanya.

"Happy birthday, baby," Mama said. I smiled at her. Sobrang kamukha ko talaga si Mama bukod sa mata niya. Kulay brown kasi iyong sa akin—kamukha nung kay Papa. Pero bukod doon, sobrang kamukha ko na siya. "Aalis na kami ng Papa mo."

Kumunot ang noo ko. Ang aga pa pero aalis na sila?

"Bakit po?"

"So you'd have fun."

"Hindi po ba ako mag-eenjoy kapag nandito kayo?" I asked. Gusto ko kasama ko silang lahat ngayong birthday ko pero aalis ng maaga sila Mama...

Napailing si Mama at saka tinignan si Papa.

"Kamukha ko lang siya pero ikaw na ikaw," sabi ni Mama kay Papa. Papa just smiled at Mama. Binalingan naman ako ni Mama. "Basta, go have fun. You're not allowed to drink, maliwanag? Iyong friends mo, pwedeng mag-overnight dito kung gusto or if not, pwede silang ihatid pauwi. Just ask Carmie. She's in-charged until tomorrow."

Tumango na lang ako at sinubukang alalahanin lahat ng sinabi ni Mama. Sinamahan ko silang maglakad papunta sa labas dahil gusto ko silang ihatid. Pero hinanap muna namin si Riley at Finley. Nag-iikot yata kasi silang dalawa dito.

"Riley!" pagalit na sabi ni Mama dahil nakita namin si Riley sa buffet table na mayroong maraming chocolate frogs na nakapasok sa bibig niya. Alam naman niya na bawal. Ang kulit talaga.

Nung makita ni Riley si Mama, tumakbo siya habang dala-dala iyong mga chocolate frogs sa kamay niya. Hinabol naman siya ni Mama.

"Do you think she's okay, Pa?" I asked Papa habang nakatingin kami kay Mama na hinahabol si Riley. "Tungkol sa amin ni Saint?"

Ilang sandali kaming tahimik. Alam ko naman na kahit sinasabi ni Papa na okay, may ilang parte na hindi... Pero sana talaga maging okay ang lahat. Kasi sobrang saya ko. Gusto ko na ganito na lang palagi. Ganito pala kasi iyong pakiramdam ng masaya... Para kasing buong buhay ko nasanay ako na hindi pinapansin ni Parker kaya naninibago ako sa ganitong pakiramdam.

"She'll be okay."

"Kailan?"

Papa shrugged.

"Sobrang minahal talaga ni Mama si Tito Parker para gustuhin niya na kami talaga ni Parker ang magkatuluyan..."

Just The Strings (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant