Kabanata 29

867K 22.2K 14.2K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 29

Since that night, iniwasan ko na si Parker. Hindi kasi ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon. Sino ang matinong tao ang sasaktan ang sarili para lang makakuha ng kaunting atensyon? Sino ang matinong tao na isusugal ang sariling buhay just to make a point?

Hindi ko talaga siya maintindihan, e. Kahit ano'ng gawin ko, kahit subukan ko na intindihin iyong ginawa niya, kahit na i-justify ko mula sa pananaw niya... hindi, e. Hindi talaga tama. Hindi tama na ipagpilitan niya iyong sarili niya sa akin. Hindi tama na ipilit niya na ibalik iyong dati. Hindi tama na sarili niya lang iyong iniisip niya. Kasi hindi lang naman sa kanya umiikot iyong mundo. Kasi hindi lang naman siya 'yung may karapatan na maging masaya.

Nagawa ko naman... Dalawang linggo ko siyang nagawang iwasan. Madali ba? Hindi, ah. Mahirap iwasan iyong tao lalo na kapag mahal siya ng parents mo... My mom loves him... Na pakiramdam ko wala akong karapatan na magtampo kay Mama dahil kasalanan ko rin naman. Ni minsan hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa mga pag-iyak ko noon dahil kay Parker... Hindi ko sinabi sa kanya iyong tungkol sa prom... Ni hindi nga niya alam na may Cindy sa buhay ni Parker.

In some ways, it was my fault. Mom had always thought that Parker was perfect... That maybe Parker was a lot like his uncle. Alam ko para kay Mama, perpekto si Tito Parker... But that didn't mean that Parker's perfect.

That didn't mean that Parker treated me the way Tito Parker treated my mom.

I might not know the whole story but I was sure that Tito Parker loved my mom. And I was sure that Parker didn't love me. Na tama si Kuya. It was only his ego and pride talking.

Pero sabi nga nila, you could only avoid someone for so long... Dahil isang hapon habang kumakain ako ng meryenda kasabay sila Kuya sa cafeteria, biglang paparating na si Parker. He's with Kuya Jackson dahil hindi pa rin masyadong nakakalakad si Parker dahil sa paa niya. I knew I should feel sorry for him dahil pati pagiging captain sa soccer team ay nawala rin sa kanya. Pero dahil sa lahat ng narinig ko, I just felt... indifferent towards him.

And it was towards God whom I felt sorry for dahil alam ko na masama itong iniisip at nararamdaman ko.

Bago pa man makarating si Parker sa table namin, mabilis ko ng inayos iyong tray ko.

"Where are you going?" asked Liza.

"Library."

"Sus. Iniiwasan lang niyang si Parker," sabi ni Kath.

"Really?" nagtataka na tanong ni Liza. "Did something happen again habang wala ako? Why am I always the last one to know things?"

"Kasi self-righteous and judgy ka masyado."

Nanlaki iyong mata ni Liza.

"I am not!"

"Talaga? So sa tingin mo ayos lang iyong ginagawa ni Imo na iniiwasan niya si Parker?"

Natahimik sandali si Liza. Gusto ko na sanang umalis dahil nakikita ko na malapit na si Parker sa table pero para namang wala akong manners kung bigla ko na lang iiwan si Liza and Kath habang nagsasalita sila.

"Well, yeah..." sabi ni Liza at tinaasan naman siya ng kilay ni Kath—na kanina niya pa pinagmamalaki dahil kilaygoals daw siya ngayon. Minsan iba talaga ang priorities ni Kath. "I mean, no! Just because I don't share your opinion about Imo avoiding Parker doesn't mean that I am self-righteous and judgy!"

Tinignan ako ni Kath and she shrugged her brows.

"Well, in all group of friends, there's always the judgy one," sabi niya at saka tinignan si Liza. "Don't worry, I still love you despite your opinion."

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now