Kabanata 19

766K 25.7K 20K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 19

Last stretch before the debut. Pinilit ako ni Mama na umabsent ngayong araw dahil kailangan niya raw ako dito. Ayoko ngang pumayag dahil masisira ang attendance ko pero wala na lang akong nagawa. Nababaliw na si Mama dahil mayroong ibang bagay na hindi sumunod sa gusto niyang mangyari. Medyo naaawa nga ako kay Miss Carmie dahil sa kanya nabubunton lahat ng galit ni Mama. Kami nila Papa, umiiwas muna kay Mama dahil mahirap na. Kapag galit siya, wala siyang sinasanto.

"Mary Imogen," pagtawag sa akin ni Mama. Agad akong napatingin sa kanya at humigpit iyong yakap sa akin ni Finley dahil buhat ko siya.

"P-po?"

"Pwede mo bang puntahan sila Parker sa kanila? Hindi pa sila nagcoconfirm sa debut mo."

Gusto ko sanang sabihin na sigurado naman ako na pupunta sila Parker dahil tuwing birthday ko naman, nandun ang buong pamilya nila palagi... Extended family na nga yata namin sila, e. Pero dahil galit si Mama ngayon at highblood siya dahil sa mga nangyayari na last minute changes sa debut, hindi na ako nagsalita at pumayag na ako.

"Okay po," I replied. Binaba ko si Finley pero nakahawak siya sa damit ko. "Bakit, baby?"

"Kuya Saint."

"Hindi ba kausap mo siya kagabi?" I asked him. Nakita ko kasi na magka-video chat sila ni Saint kagabi. Kaya pala hindi ko ma-contact si Saint sa facebook dahil kausap niya si Finley. Hindi naman ako nagrereklamo kasi ang cute nila tignan habang magkausap. At saka at least nagiging friendly na si Finley dahil nag-aalala kami ni Papa sa kanya dati dahil para siyang recluse.

"Yeah... but I miss him already. Tell him to go to our house. Please, Ate?"

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi?"

He pouted. "Kuya Saint said na ikaw dapat ang mag-invite sa kanya, e. Please, Ate? Please? Please?" sabi niya habang hinihila iyong damit ko. Si Saint talaga. Dinadamay pa ang kapatid ko. Nagyes na lang ako kay Finley para tigilan niya na ako dahil masama na ang tingin sa akin ni Mama at ang ibig sabihin nun ay dapat ko ng puntahan sila Parker dahil malapit na siyang magalit sa akin.

Umakyat ako at hahanapin ko si Kuya dahil hindi ko kayang pumunta mag-isa kila Parker. Dati naman okay lang sa akin dahil sobrang bait naman ng parents ni Parker lalo na si Auntie Kach pero ngayon, parang weird na. Dahil ba 'to exclusive na kami ni Saint? May rule ba na dapat hindi na ako lumapit kay Parker dahil may feelings ako sa kanya dati? O pwede naman since dati pa naman iyong feelings?

Platonic friends na naman kami ni Parker... so, pwede kaya?

Haaaay. Naguguluhan ako sa mga MU na 'to. Wala bang rule book na pwede kong basahin para malaman ko ang mga do's and don't's?

Kumatok ako sa pintuan ni Kuya. Walang sumasagot kaya binuksan ko iyong pinto. Baka kasi nakasuot na naman ng earphones si Kuya kaya hindi niya ako naririnig. Pagpasok ko, nakita ko agad si Kuya na nakaupo sa kama niya at naglalaptop. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin nung lumapit ako sa kanya.

Kumunot ang noo ko nung makita ko na nasa isang online flower shop siya.

"Ano'ng ginagawa mo?" I asked him at bigla naman siyang nagulat sa akin.

"Bakit ka ba nanggugulat?!" bigla tuloy tumaas ang boses niya.

"Hindi kaya. Kanina pa ako kumakatok, e," paliwanag ko sa kanya. Tinuro ko iyong screen ng laptop niya. "Para kanino iyong flowers?"

Sa buong buhay ko, never ko pang nakita si Kuya na nagbigay ng flowers. Kahit nga si Mama hindi niya binibigyan kahit mother's day, e... Minsan iniisip ko na iyon ang dahilan kung bakit sa aming apat, kung mayroong dapat ipa-adopt si Mama, sigurado ako na si Kuya iyon. Siguro feeling ni Mama walang pakielam sa kanya si Kuya. Hindi ko naman kasi maintindihan si Kuya minsan.

Just The Strings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon