Kabanata 34

781K 18.8K 8.2K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 34

Nagsimula na iyong klase. It was... weird. And sad. Wala na kasi sila Kuya dahil graduate na sila. Para tuloy biglang sobrang tahimik ng buhay ko. Dati kasi umaga pa lang ay maingay na dahil guguluhin na ako ni Kuya... Tapos ngayon wala na. Sobrang tahimik.

Ang boring na tuloy.

"You okay?" Saint asked.

I nodded and smiled at him. Ayoko naman kasi na mag-alala siya. Kagabi, sinabi ko kasi kay Papa na magpapahatid na lang ako kay Manong sa school. Graduate na kasi si Kuya kaya hindi na pwede na sabay kaming pumasok... Tapos ayoko naman na kay Saint ako sumabay dahil baka malaman ni Kuya tapos mas lalo lang hindi magpakita sa akin iyon. Kaso ang sabi ni Papa, kay Saint na lang daw ako sumabay. Sinabi niya sa akin na hindi daw talaga tungkol sa akin iyong problema ni Kuya.

And it only made me sadder. Bakit hindi na lang niya sabihin sa akin? Kapatid pa rin naman niya ako. Baka makatulong ako...

"Smile," Saint said.

"Naka-smile naman ako."

Inilagay niya iyong dalawang daliri niya sa mukha ko tapos sinundot iyong pisngi ko.

"You're frowning," he said tapos pinisil naman niya iyong mukha ko. "Positive thinking attracts positive energy. Ikaw ang nagsabi sa akin niyan, 'di ba?" he asked and I nodded. "So smile, Mary. Magbabati din kayo ng Kuya mo. But for the mean time, smile for me muna. Alright?"

I looked at Saint and sighed. He's right. Magiging maayos din kami ni Kuya. I was praying for that. Pero habang hindi pa rin niya ako kinakausap at busy pa rin siya sa kung anuman ang ginagawa niya, I would try to continue living my life. I knew Kuya would want me to. Palagi niya akong pinapaalalahanan sa grades ko, e. He's always nagging me to study and he's always reminding me na dapat daw wala akong bagsak kagaya niya.

I missed his loud mouth.

"May training na kayo?"

Saint nodded.

"Agad?"

"Yeah..." he said. "Psalm graduated so Austin's the new captain. He'll be giving the new set of rules and drills."

Wala na rin pala si Psalm. Siya pa naman iyong pinaka-kasundo ko sa mga magkakapatid. Masyadong tahimik kasi si Cohen tapos si Austin naman... never mind. Walang mangyayari sa aming dalawa dahil pareho kaming hindi mahilig magsalita unless kinakausap kami ng kasama namin.

"Talaga? Hindi ba coach?" I asked. Para naman kasing ang dami na biglang kapangyarihan ni Austin kung siya na pala ang magbibigay ng drills at rules nila. Tuwi kasing nanonood ako ng practice nila, napapagod ako kahit nakaupo lang naman ako. Takbo kasi sila nang takbo tapos minsan nagsisikuhan pa sila. Ako 'yung nasasaktan sa mga nakikita ko, e.

Saint nodded.

"Basically, we're his—for the lack of a better term—bitches."

Nung makapagpark na kami, sabay kaming bumaba ni Saint.

"You still haven't sent me your sched," sabi niya sa akin. Ihahatid niya raw kasi ako sa classroom ko. Sobrang clingy kaya niya. Akala ko clingy na ako sa aming dalawa pero nare-realize ko na mas clingy si Saint. He's always the first one to message me, to hold my hand, to ask me to go out. Nakonsensya tuloy ako. Was I unaffectionate? Baka kasi isipin ni Saint na sobrang dense ko. Sabi rin kasi nila Kuya dense daw ako... Parang hindi naman masyado. Napapansin ko na kaya kapag double meaning iyong ibang sinasabi ni Saint!

I just recently found it ironic... Saint's not a saint, after all. He's too naughty to be one.

"Hindi mo rin kaya binigay 'yung sa 'yo," I replied.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now