Kabanata 15

797K 23.3K 12.7K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 15

Nitong mga nakaraang araw, sobrang busy ko na talaga. Palapit na kasi ng palapit iyong debut ko kaya ang daming kailangang gawin. Akala ko pa naman wala akong masyadong gagawin dahil mayroon namang kinuhang organizer sila Mama pero hindi rin pala... At medyo natatakot na ako kay Miss Carmie dahil mukhang na-obsessed yata siya sa Harry Potter pagkatapos niyang basahin. Ayan tuloy, mas affected pa siya sa akin at mas perfectionist pa siya sa mga details...

Nakaupo ako ngayon sa sofa at pinapakinggan na mag-usap si Miss Carmie at iyong assistant niya. Hindi ako makasingit dahil mukhang kaya na ni Miss Carmie 'to.

"What do you mean hindi pwedeng gamitin ang owls?" nakataas ang kilay na tanong niya sa assistant niya na si Jere.

"Miss, kasi po baka habulin tayo ng PAWS kapag ginamit natin... 'Di ba animal abuse 'yun?"

Pinipilit kasi ni Miss Carmie na via owls ang pagpapadala ng invitation. Okay na naman sa akin na hindi since alam ko naman na medyo farfetched iyong idea na 'yun... Pero mukhang nung nabasa ni Miss Carmie iyong Harry Potter, talagang nagustuhan niya si Hedwig. Kaya talagang nilalaban niya na gamitin ang mga owls.

"How about we drive the owls close to the house of the invited people para kaunti na lang ang liliparin nila?" suggestion ni Jere dahil mukhang hindi talaga papatalo si Miss Carmie sa idea niya. Naupo na lang ako doon at pinakinggan silang dalawa. Halos 30 minutes din silang nagtalo hanggang sa nagcompromise sila sa kalapati na susuotan ng owl costume. Mukhang okay na naman iyon.

Mayroon pang mga final details na ipinakita sa akin si Miss Carmie for my approval. Nakahanap na kasi sila ng hall na big enough para gawing Great Hall. Sobrang namangha ako dahil detailed talaga iyong binigay ni Miss Carmie—mula sa table settings hanggang giveaways. Mukhang ginawa niya talaga iyong assignment ni Mama sa kanya na basahin iyong Harry Potter series.

Pagkatapos noon, nagpaalam na sila sa akin dahil marami pa raw silang gagawin. Nagpasalamat naman ako dahil sobra iyong effort na binigay nila para sa birthday ko. Ganoon natapos ang weekend ko. Ni hindi ko nga napansin dahil ang dami kong ginagawa. Parang pang-isang linggo na 'yung pagod ko.

Nung kinagabihan, nakahiga na ako sa kama at naghahanda na akong matulog. May pasok na naman kasi bukas at kailangan kong matulog na para may energy ako bukas since naubos na yata ngayon. Papapikit na sana ako nung maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

Saint Iverson Gomez de Liaño: mary

Mary Imogen Suarez: yes?

Saint Iverson Gomez de Liaño: can't come to school tomorrow

Huh? Bakit naman niya sinasabi sa akin 'to?

Mary Imogen Suarez: uhh okay?

Saint Iverson Gomez de Liaño: you won't miss me?

Mary Imogen Suarez: bukas ka lang naman mawawala e

Saint Iverson Gomez de Liaño: actually for a week

Hala. Isang linggo? Ang tagal naman nun... Pero wala naman akong karapatang magreklamo. At saka ano sasabihin ko? Na 'wag siyang umalis?

Mary Imogen Suarez: saan ka pupunta?

Saint Iverson Gomez de Liaño: Madrid. Family thing

Mary Imogen Suarez: oh... sigurado ako mamimiss ni Kath si Psalm

Baka magwala si Kath kapag nalaman niya na one week niyang hindi makikita iyong baby niya. Grabe pa naman 'yun... Kami na ni Liza ang nahihiya kasi sinusundan pa ni Kath kahit sa Commerce building pa si Psalm. E ang layo nun sa building namin.

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now