Kabanata 20

829K 25.9K 18.9K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 20

"Happy birthday to you..."

Nagising ako dahil sa pagkanta... at dahil na rin binuksan nila iyong ilaw sa kwarto ko. Kahit na masakit iyong mata ko dahil sa biglaang liwanag, hindi ko mapigilang mapangiti dahil nasa kwarto ko ang buong pamilya ko. Mayroon pang dalang cake si Riley at Finley habang nakasuot sila ng matching pajamas.

"Happy birthday, Ate. Blow the candle and make a wish na po," sabi sa akin ni Riley. Lumapit sila sa kama ko para mahipan ko iyong kandila. Pumikit ako at saka nagpasalamat kay God dahil kumpleto pa rin kami at walang may sakit sa amin. Iyon lang naman kasi ang palagi kong hiling. Pagkatapos kong hipan iyong cake, humarap si Riley kay Mama. "Can I eat the cake na?"

Umiling si Mama. "After you eat breakfast, baby," sabi niya at saka kinuha iyong cake sa kamay ni Riley at Finley. Dina-diet na kasi ni Mama si Riley. Ang taba-taba na kasi talaga niya.

Malungkot na lumapit sa akin si Riley tapos may inabot siya na box. "Happy birthday ulit, Ate," he said and then hugged me. I hugged him back and said thanks. Pagkatapos niya, si Finley naman iyong lumapit pero wala siyang dala.

"I don't have a gift, Ate. Are you mad?"

Umiling ako.

"It's okay," I said with a smile. Pero mukhang guilty na guilty si Finley. Lagi kasi siyang may gift sa akin kapag birthday ko. Lahat kami ay nagbibigay ng regalo kapag birthday ng isa't-isa. Tradition na sa family.

Nakayuko siya. "But I'll buy you one, Ate... Kasi I used my money to buy basketball shoes... Kuya Saint told me he'll teach us how to play ball."

Automatic na napangiti naman ako nung narinig ko iyon. I hugged Finley and assured him na ayos lang sa akin na wala siyang regalo. I was looking forward to seeing them play basketball, though. Hindi ko alam kung paano tuturuan ni Saint si Finley e halos hanggang legs niya lang ang kapatid ko. Sobrang tangkad naman kasi ni Saint, e.

Tumakbo palabas si Finley at Riley at hinabol naman sila ni Mama. Si Papa, mamaya na lang daw ibibigay sa akin iyong gift ko. Si Kuya naiwan kasama ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Birthday na birthday, oh," sabi niya tapos pinitik iyong noo ko. "Magkaka-wrinkles ka talaga niyan."

"Binigay mo kay Kath?" I asked.

He nodded.

"Di man lang nagthank you. Hinimatay siguro sa sobrang kilig kaya di nakapagtext ng 'Thank you, Preston, sa flowers. Sobrang thoughtful mo,'" sabi niya habang ginagaya pa iyong boses ni Kath. Si Kuya talaga.

Napailing na lang ako kay Kuya.

"Basta, Kuya, kapag pinatitripan mo lang si Kath, hindi talaga kita kakausapin," I honestly told him. We're too old for games like that. At hindi kami pinalaki ng parents namin para paglaruan ang mga tao sa paligid namin. We knew better than that.

"Tss. Nakakatampo ka na. Bawal ba ako magseryoso?" he said, trying to play the victim card.

Niyakap niya ako sa gilid ko tapos pilit ko siyang tinutulak.

"Wag nga, Kuya. 'Di pa ko naliligo," I said dahil sinisiksik niya iyong sarili niya sa akin.

"Porke 18 ka na, bawal na magpa-yakap? Si Saint na lang pwede?"

Namula ako dahil doon.

"Tindi talaga nung kulot na 'yun, ah. Pangalan pa lang, kinikilig ka na?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa akin. "Kayo na ba?"

Just The Strings (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt