Chapter 2

195K 1.6K 43
                                    


Chapter 2: You Again?! - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


I ran as fast as I could palabas ng mall. Nakaka-BV talaga 'tong araw na 'to! Pero fortunately, Friday na ngayon. Ibig sabihin, pwede akong magkulong sa kwarto kahit buong weekend pa. I can't wait to get home!

Malapit lang naman ang mall sa bahay namin. Isang sakayan lang sa jeep, pero mas prefer kong mag-taxi. Siksikan kasi lagi e. Tsaka madalas, sa SM Center Point lang naman kami tumatambay ni Jasmine. And my house is just on the Old Sta. Mesa Street.

Agad akong pumara ng taxi. But when I was about to enter, nakita ko siya.


Si Austin Delos Santos.


Pero hindi siya nag-iisa. Nakahawak ang kamay niya sa waist ng girlfriend niya. Mukhang papunta silang dalawa sa mall. Most likely, they're going on a date. I immediately got inside bago pa nila ako makita. It's already bad enough na makita ko silang nagde-date no! Ayoko nang madagdagan pa ang pagka-bad mood ko!

Pagkadating na pagkadating ko sa tapat ng bahay namin, nagmadali akong mag-doorbell. Baka pagalitan pa ako ng parents ko. Hindi kasi ako nagpaalam na dadaan pala ako sa mall ngayon. And it's almost 9:00 PM na.

Binuksan ng housekeeper naming si Ate Margie ang gate tapos kinuha ang mga gamit ko. Sinalubong rin ako ng aso kong si Alice. I patted her on the head.

"O, ba't parang ang late mo umuwi ngayon? Umaasenso na 'tong kapatid ko a! Rule-breaker ka na rin pala!" A voice spoke from the front door.

I immediately recognized that voice. "Kuya? Anong ginagawa mo dito?"

"Grabe ka naman. Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng hug?"

Ngumiti ako and gave him a bone-crushing hug. "O, ayan na."

He grinned. "Nagbakasyon lang kami ni Paula dito. Na-miss na daw niya ang Pinas e."

"Nandito ba si Charlie?"

"Dun sila sa loob."

I immediately went inside. Doon sa living room at nakaupo sa sofa, is my one and only sister-in-law na si Paula Gonzalez. "Hi Ate!" We exchanged a hug and a kiss on the cheek. Then, my gaze shifted to the toddler beside her. "Hi Charlie! Na-miss mo ba si Tita?"

He gave a cute, toothless grin and hugged me. I cradled him, sat on the sofa beside Ate Paula, and placed him on my lap.

"Miss na miss ka na niyan. Wala na daw kasing laging nagbibigay gifts sa kanya e." Ate Paula smiled.

Napatawa tuloy ako. "Kaya mo lang pala ako na-miss kasi lagi kitang binibigyan ng regalo? Ang sama mo naman Charlie!"

Kiniss na lang niya ako sa cheek. "I missed Tita!"

"I missed you too, Charlie." I smiled and I hugged him afterwards.

"Wow, ang ganda ng reunion nitong mag-tita o." Kuya Drew said from the door. Pumunta siya sa living room tapos umupo sa tabi ni Ate Paula. He put an arm around her and Ate rested her head on his shoulder. Hay naku. Ang sweet naman nila masyado! Naiinggit tuloy ako!

"Where are Mom and Dad?" Tanong ko pagkalipas ng ilang minuto.

"Umalis lang sila saglit. May binili lang sa Pure Gold." Sagot ni Ate Paula.

"Gusto niyo bang gumimik ngayon?" Kuya asked.

"Saan gigimik?" Tanong ko naman.

"Sabi nina Bryce dun daw sa karaoke house sa Taguig tayo pumunta. Ano? Sama ka?"

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now