Chapter 49

92.3K 560 40
                                    


Chapter 49: The Final Goodbye - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 14, 2021


Beep. Beep. Beep. Beep.


Hanggang ngayon, kahit mahigit apat na araw na ang lumipas simula nung manganak si Nadine ay wala pa ring senyales ng kanyang pagkakaroon ng malay. Kinagabihan na, mga 10:30, at nandito pa rin ako, nakaupo sa silyang nakapwesto sa tabi ng hospital bed niya, walang sawang binabantayan siya. Natutulog naman ang anak namin sa hospital crib na nakapwesto sa tapat namin, ilang talampakan lang ang layo.

Mag-isa na lang akong nagbabantay ngayong gabing ito. Kakaalis lang kani-kanina nina Kate at Jasmine, kasama ang kanilang mga asawa, pero maaga naman silang babalik kinabukasan para magbantay sa mga oras na magpapahinga ako. Kahit ang kuya ni Nadine na si Drew, pati ang pamilya niya, bibisita rin bukas.

Tulad ng lagi kong gawain tuwing binabantayan ko ang asawa ko, hawak-hawak ko ang kanyang kamay at nakatuon sa mukha niya ang titig ko. Nang lumaon ay kinakantahan ko na rin siya, nagbabaka-sakaling marinig niya ang boses ko at magising na rin siya sa wakas. At ngayong gabi ay naisipan kong iharana sa kanya ang kantang "Your Guardian Angel" ng Red Jumpsuit Apparatus, isa sa mga pinakapaboritong kanta niya.


When I see your smile

Tears run down my face

I can't replace

And now that I'm stronger I've figured out


How this world turns cold

And breaks through my soul

And I know, I'll find deep inside me

I can be the one


I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven


"Sana ako na lang ang nasa posisyon mo. Sana ako na lang ang nasasaktan. Sana ako na lang ang nahihirapan. Kasi hindi ko talaga kayang nakikita kang nagkakaganyan, Nadine. Hindi ko talaga kayang nakikitang ikaw lang ang nagsasakripisyo. At hinding-hindi ko talaga kayang manatili lang dito sa tabi mo na wala man lang magawa para matulungan ka. Pero mas hindi ko talaga kakayanin kung bigla ka na lang sumuko. Kung bigla ka na lang bumigay. Kung bigla ka na lang mawala. Kaya please. Please magising ka na. Please Nadine." Pagmamakaawa ko, mas lalo pang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya.

Ilang sandali ang nagdaan, at nanatili lang akong ganun, hindi gumagalaw sa posisyon kong iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal na ang lumipas, pero natauhan na lang ako nang bigla kong narinig ang boses ng pinakamamahal ko.

"L-Lance?" Ang mahinang sambit ni Nadine habang dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Agad naman akong napatayo sa sobrang gulat at madali kong isinuri ang kalagayan niya.

"Nandito ako." Ang mapanigurado kong sagot, sabay lapat ng kamay ko sa pisngi niya. "May masakit ba sa'yo? Kailangan mo ba ng painkillers? Nagugutom ka ba?" Ang mga sunud-sunod kong tanong.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now