Preface [Part II: Unexpected Turnarounds]

23.2K 262 1
  • Dedicated kay All of the Friends I've Made Here in Wattpad
                                    


Sabi nila,


"Walang permanente sa mundong ito."


Ang mga emosyong nararamdaman mo,


Ang mga relasyon mo sa ibang tao,


At kahit ang buhay mo pa mismo.


Kung tutuusin,


Totoo naman talaga ang kaisipang iyon.


Maaaring isang araw ay ikaw ang pinakamasayang nilalang sa balat ng lupa,


Ngunit sa susunod nama'y lubus-lubos kang nagdurusa.


Maaaring isang araw ay nasa piling mo pa ang iyong mga minamahal,


Ngunit sa susunod nama'y bigla-bigla ka na lang nilang iiwan.


At maaaring isang araw ay wala kang kaproble-problema,


Ngunit sa susunod nama'y agad-agad kang paglalaruan ng tadhana.


Ang masaklap talaga,


Wala kang ibang magagawa,


Kundi ang tanggapin na lamang ang mga kaganapang iyon.


Sapagkat kahit na ano pa man ang gawin mo,


Kailanman ay hinding-hindi mo mapipigilan ang pagbabago.


Ang katanungan lamang,


Makakaya mo bang lagpasan ang lahat ng mga darating na pagsubok,


O sa huli'y basta-basta ka na lang susuko?




____________________________________________________________

A/N: Photo edited by storytelle.


My Boyfriend by ACCIDENT [Part II: Unexpected Turnarounds] - To be published under Lifebooks and released in all bookstores nationwide SOON! I really hope that you guys will also support it!



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon