Chapter 23

101K 714 46
                                    


Chapter 23: Bad News - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


February 12, 2012


Lance's POV


"Yes! We actually did it!" Tili ni Andrea sabay bigay ng mahigpit na yakap sa akin. Nag-high-five naman sina Camille, Alex at Ralph, na puro merong mga grin sa mga mukha nila.

"You guys did a great job. May your band have a successful debut." Sabi ni Mr. Edward Salonga, isa sa mga pinakasikat na music producer dito sa Pilipinas.

"Maraming salamat po sa tulong niyo." Sabi ko, giving the man a grateful smile.

He smiled back and nodded. "My pleasure. Sigurado akong magiging sikat agad ang banda niyo in no time." Maya-maya'y inexcuse niya ang sarili niya at umalis.

Bumitaw si Andrea sa akin at ngumiti. "Guys, we should celebrate this achievement!"

"Oo nga. Let's go out!" Agad na sang-ayon ni Ralph.

"Sure, I'm up to it." Sagot naman ni Camille.

"Let's party, people!" Grin ni Alex.

Napatingin silang apat sa akin, all giving me expectant looks.

"Ikaw Lance? Sasama ka diba?" Tanong ni Alex.

"Saan ba gigimik?"

"Punta tayong MOA. Mag-food trip tayo doon. Tapos manood na rin tayo ng sine. Showing na ata yung Star Wars 3D e. Tsaka afterwards, mag-karaoke tayo!" Yaya ni Ralph.

The others nodded excitedly.

"Pero wag naman Star Wars yung panoorin natin. Showing na kaya yung The Vow. That's definitely better!" Protesta ni Camille.

"Ano ba yan? Chick-flick? I-consider mo naman kami no!" Sabat naman ni Ralph.

"Ano namang masama sa mga chick-flicks? Some guys watch them naman a!"

"Hindi sila mga tunay na lalaki! Mga bakla lang ang mga nanonood nun!"

Nagpatuloy lang yung dalawa sa pagdedebate. Nakatingin pa rin sina Alex at Andrea sa akin.

"Lance, ano na?" Tanong ni Andrea.

I gave them an apologetic look. "Next time na lang ako guys. May pupuntahan pa kasi ako e."

"Saan?" Tanong ni Alex.

"Birthday kasi ng girlfriend ko ngayon. I'm going to take her out on a date to celebrate." I said as I gathered my belongings. Kinuha ko yung gitara ko at naglakad papunta sa exit ng Club Lexis. "Pasensya na talaga sa inyo. Promise, sasama na ako sa susunod."

Nakita ko silang tumango. Lumabas na ako pagkatapos.

I guess nagtataka kayo kung bakit kami mag-se-celebrate ngayon. I haven't told anyone about this yet, not even Nadine. Habang nasa France kasi si Dad, nagkita sila ni Mr. Salonga. Magkabarkada silang dalawa nung high school sila kaya they already know each other. While talking, namention ni Dad yung banda namin, which immediately caught Mr. Salonga's attention. Kaya he decided to check us out to see if we had potential to become a professional band. And obviously, we managed to meet his expectations, even exceeded them.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, nilabas ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Nadine. Siyempre naman, dapat siya ang una kong pagsasabihan. Sigurado akong matutuwa talaga siya once she hears my good news.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now