Excerpt

135K 972 21
                                    


A/N: Para 'to sa lahat ng mga nabitin sa preview na na-post ko. Take note, THIS EXCERPT IS THE ACTUAL FIRST CHAPTER OF THE PUBLISHED VERSION OF THIS STORY. Kumbaga, dito niyo na masusulyapan ang difference ng original at revised version ng MBBA, from the narration, to the personality of the characters, to the changes applied in some of the scenes, etc. Sana talaga ay magustuhan niyo pa rin ang bagong version kahit na napakalaki ng  aking binago. Maraming salamat talaga sa mga patuloy na sumusuporta!



August 4


"Ano na naman ba kasi ang pinag-awayan ninyo at nagdadrama ka nang ganyan?!" Halos pasigaw ko nang itinanong habang tinitingnan nang maigi ang aking kasama nu'ng maggagabing iyon. 

Nagsitinginan ang ilan sa mga taong nakapwesto malapit sa amin, at ang karamihan sa kanila'y nagbulung-bulungan pa. Napaayos ako ng upo at yumuko nang kaunti, agad na nakaramdam ng pagkahiya. 

Kung tutuusin, nakakahiya naman talaga kasi nitong senaryong kasalukuyang nagaganap e, pero ang kasama ko nama'y parang wala man lang pakialam kahit na pinag-uusapan na siya.Teka lang, mali pala. KAMI. Wala pa rin siyang pakialam kahit na kanina pa kami pinagbubulung-bulungan ng mga taong nandito sa food court ng mall. Baliw rin kasi 'tong best friend ko e. Basta't nagdadrama, aakalain mong may sariling mundo.

"Bahala na siya! Basta't sinisigurado ko talaga sa'yo na hinding-hindi ko siya papatawarin kahit kailan! KAHIT KAILAN!" Pagsisigaw at pag-uumpog pa niya ng kanyang mga kamao sa mesa, na para bang siya'y isang batang nagwawala pagkatapos manakawan ng kendi.

Nang makita kong nagkakaganoon siya ay wala na akong ibang magawa kundi ang sumandig na lamang sa likod ng aking upuan, huminga nang napakalalim, at himas-himasin ang sentidong kanina pa sumasakit.

Hay. Base sa kanyang mga pinaggagawa, sino ba naman ang mag-aakalang sixteen years old na at kasalukuyang isang sophomore high school student sa napakakilalang paaralan na Xanthe Academy itong kasama kong si Jasmine San Pedro? Kung tutuusin nga'y pawang daig pa niya ang isang spoiled na musmos kung makapag-tantrums. Pero ang pinakamasaklap na katotohanan ay sa lahat ba naman ng lugar na pwede niyang piliin upang gumawa ng eksena, dito pa talaga iyon sa SM Centerpoint.

"Jasmine," saad ko, nauubusan na ng pasensya at may diin ang pagtawag sa kanyang pangalan. "Ano ba kasi ang nangyari at nagkakaganyan ka?"

Kinagat niya ang nanginginig niyang labi at dahan-dahang tumingin sa akin. Kumunot naman ang aking noo nang masilayan ang nakakaawang ekspresyon sa kanyang mukha, mula sa kanyang mga namumulang pisngi hanggang sa kanyang mga matang namamaga na dahil sa kakaiyak.

"Jas," pagtawag ko sa kanya muli, sabay usog ng aking upuan papalapit sa kanyang pwesto. Banayad ko siyang niyakap at paulit-ulit na tinapik sa likod.

"...nakalimutan..." Umpisa niya, nanginginig nang bahagya ang boses.

"Nakalimutan...?" Saad ko naman, hinihimok siyang ipagpatuloy ang kanyang mga gustong sabihin.

Kumawala siya sa akin at suminghot nang ilang beses. Pagkatapos ay kumuha siya ng ilang piraso ng tissue mula sa dispenser na nakapatong sa mesa at suminga. At nang walang alinlangan ay inihagis niya ang kanyang mga pinaggamitan sa ibabaw ng mesa. Like, ew?

"...nakalimutan...niya..." Pagpapatuloy niya, sumisinghot na naman.

"Ang...?"

"...nakalimutan...niya...ang..."

"Ang ano nga?!" Halos napasigaw na ako, naubusan na talaga ng pasensya.

"...ang...anniversary namin!" Napasigaw na rin siya, sabay wala muli.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now