Chapter 10

124K 1K 58
                                    


Chapter 10: The Casting of Horror - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


November 21, 2011


"Attention everyone! Eto na yung magiging plan natin sa school play para sa upcoming school fair." Agad na announce ni Larraine Aguilar, ang class president ng section namin, after the bell signaling the start of homeroom period rang.

Agad na nanahimik yung class and everyone turned their attention to her. Si Larraine muna yung in charge sa klase since wala yung class adviser namin at the moment. May meeting kasi yung mga teachers at inilaan yung time for homeroom period para sa pagplano ng lahat ng mga grade level for the school fair.

"Since in collaboration yung school play sa Performance Task natin sa English, Speech at Drama class, naisipan namin ng mga class officers na gumamit ng isang original composition. Pangit naman kung lagi na lang 'Romeo and Juliet' or 'Othello' or iba pang Shakespearean compositions yung gagamitin diba?" Tumango yung mga classmates ko in agreement. Napangiti si Larraine in excitement. "Kaya we decided na gamitin yung original composition na gawa ng ating one and only scriptwriter na si Nikki de Guzman!"

Agad na nag-cheer yung mga classmates namin. Of course, basta't scriptwriter ang pinag-uusapan, wala nang iba pang mas gagaling sa scriptwriter ng Section 1 na si Nikki de Guzman. Every time na nagkakaroon ng stage play, role play, school play or kahit ano pa mang klaseng play, si Nikki yung laging gumagawa ng script and at most times, siya na rin yung nag-di-direct.

Siya rin kasi yung scriptwriter at assistant director (yung animator yung main director) ng drama club. Magaganda rin yung mga original compositions na ginagawa niya kaya hindi na nakakagulat na siya yung gagawa ng script para sa play namin. Kahit nga ako hindi rin maiwasang mag-anticipate kung ano yung magiging theme ng play namin.

Pumunta sa harap ng class si Nikki na may dala-dalang script. Prepared talaga agad yung script a. At mukhang makapal pa. Ilang pages kaya yun? Naaawa na tuloy ako sa mga magiging main characters ng play na yan. "Since yung main focus ng mga lessons natin sa English at Drama class ay ang mga compositions ni Shakespeare, yung theme na inassign ni Mrs. Sanchez at Mr. Castillo para sa play ay romance at tragedy. Meron ring mga poems and declamation pieces inserted between the scenes for emphasis.

"Yung title ng play natin ay 'A Twist of Fate.' It's a story about a man named Joshua who falls in love with a woman named Kate. Yung problema lang, merong memory condition si Kate wherein hindi niya matandaan yung mga incidents na nangyayari sa buhay niya after getting into a car accident more than two years ago. Kaya every day, Joshua does everything he can in order to make Kate fall in love with him over and over again. But one day, Kate receives a memory shock na naging dahilan ng pagka-comatose niya. Fortunately, nagising siya after ten months. Pero sadly, in the end, malalaman niyang namatay na si Joshua when she was still in a coma due to a car accident."

The class roared with utmost glee. Mukhang maganda nga talaga yung play na ginawa ni Nikki. "Pwede na ba yung plot?"

"Ang ganda ng plot. Parang yung movie na '50 First Dates' pero tragedy." Sabi ni May Concepcion.

"Actually, based nga talaga sa '50 First Dates' yung 'A Twist of Fate' pero merong mga changes, lalo na sa ending. Ang ganda kasi ng story nun kaya yun yung ginawa kong reference."

"Pero sino yung mga gaganap sa play? Paano yung casting?" Tanong naman ni Jason Mendoza na halatang sabik na sabik nang isama sa mga main characters.

"Actually, sabi ni Mrs. Sanchez, para hindi maging unfair at para mabigyan ang lahat ng equal chance na maging part ng cast sa play, we're going to use the lottery method." Sabi ni Larraine, while holding out two boxes na parehong may laman na mga rolled-out paper. "Lahat tayo, maliban kela Nikki, Maia, Angela, Kevin at Mitchell, ay bubunot ng isang pirasong papel sa mga box na hawak ko. Yung isang box ay para sa boys at yung isa naman ay para sa girls. Tapos, kapag nakabunot na kayo, pumunta na agad kayo sa assigned leader niyo para sa planning. Yung sa cast pupunta kay Nikki, yung props committee pupunta kay Maia, costume committee naman yung kay Angela, special effects committee yung kay Kevin at security and assistance yung kay Mitchell."

One by one, starting sa front row, bumunot yung mga classmates ko ng mga magiging task nila at nagsipuntahan sa mga assigned leader nila. Nasa gitnang row yung seat ko kaya I was one of the many people who had to wait patiently for their turn.

Nakita kong pumunta sa harap si Andrew, mukhang kabado. Hesitantly, bumunot siya sa isa sa mga boxes sa table sa harap. Pero soon after, as though something heavy was lifted from his shoulders, he breathed in a sigh of relief. Mukhang maganda yung nakuha niyang task since nakita kong napangiti siya. Then pumunta siya sa grupo nina Kevin, yung mga nasa special effects department.

Oo nga pala. Gustung-gusto talaga ni Andrew ang paggawa ng special effects. Kaya nga isa siya sa mga pinaka-active at devoted members ng digital arts club e. Ang swerte naman niya at nakuha niya yung gusto niyang task.

Nakita ko namang pumunta sa harap si Jasmine, with a big grin on her face. Parang masyadong enthusiastic naman ata 'tong babaeng 'to? Nang makabunot na siya mula sa box at mabasa niya yung assigned task niya, bigla naman siyang sumigaw ng malakas na "Yes!", yung tipong aakalain mo talagang nanalo na siya ng one million sa lotto. Kahit nga yung iba kong kaklase natawa sa naging reaction niya. Hindi ko rin tuloy mapigilang tumawa. And of course, lahat yun dinedma lang ni Jasmine. Nag-ski-skip-skip pa nga siya papunta sa grupo nina Angela, which is the costume department.

Bakit kaya parang ang swerte ng dalawang yun? Pareho pa nilang nakuha yung gusto nilang task. Sana naman matinong task yung makuha ko. Okay lang kahit costume or props, kahit special effects or assistance sapat na rin para sa akin. Basta wag lang talaga yung cast. Parang hindi ko makakayanan ang pressure ng pag-perform sa harap e.

Nakita kong nakabunot na si Jason, who sits on my left side. Ako na pala yung susunod na bubunot. Pumunta ako sa harap, sobrang kabado. Please, please, please, sana matinong task ang mabunot ko! Please wag lang cast!

I got a piece of rolled-out paper and slowly, I opened it. Nung mabasa ko na yung nakasulat sa papel, I couldn't help but rub my eyes. Namamalik-mata ata ako e. I mean, there's no way that this could happen right?!

"May problema ba Nadine?" Tanong ni Larraine.

Binasa ko ulit yung nakasulat sa papel over and over again, still not believing a word it says. "You've got to be kidding me right?"

Tiningnan ni Larraine yung hawak-hawak kong papel and grinned. Then, she faced the class and cheered. "Classmates, I'm proud to announce to you our lead actress!

Naghiyawan ang halos lahat ng mga classmates ko. Halatang natuwa masyado. NO! Don't cheer for me! Magprotesta kayo! Sabihin niyong unfair! Sabihin niyong i-redo yung bunutan!

Damn. Na-te-tempt na talaga akong isigaw ang lahat ng iyon. Pero sa huli, alam kong wala rin naman akong matutuhunan kahit magprotesta man ako or hindi. Kahit sa ayaw man o sa gusto ko, wala akong choice kung hindi (kahit mapilitan man) gampanan yung role. Lalo na, para sa Performance Task namin yun sa English. Malaking percentage ng grade ng klase ang maaapektuhan kung hindi ako mag-comply. Geez. Can't any of them see my dilemma?!

Ang masaklap pa, nung nagtinginan kami ni Jasmine, binigyan niya ako ng isang malaking grin with matching thumbs-up pa! NO! Hindi ko kailangan ng encouragement! Dagdag pressure lang yan!

Sigh. Reluctantly, pumunta ako sa grupo nina Nikki, who all had huge grins on their faces. Mas lalo pa tuloy akong naging uncomfortable. "Nandito na pala yung lead actress natin o."

Umupo ako sa bakanteng armchair sa tabi ni Nikki. The others smiled at me and patted me encouragingly on the back. Double sigh.

Mamaya-maya, may biglang inannounce ulit si Larraine. "Classmates, we found our lead actor!"

Naghiyawan muli ang mga kaklase namin. I looked at the front of the room to see who my partner would be.


OH MY GOD.


Ang sama naman ng tadhana sa akin. 


Of all people, why did it have to be HIM?!


Standing beside Larraine, holding a strip of paper with the words "Cast- Joshua" was none other than Austin James Delos Santos.




A/N: Photo used is not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now