Chapter 34

95.5K 703 48
                                    


Chapter 34: Restrained Feelings - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


Lance's POV


"Nadine, gising na. We have to leave." Narinig kong sambitin ni Camille nang lumipas ang halos apat na oras ng pag-ka-karaoke. Nakita kong pilit niyang ginigising si Nadine, na nakatulog na sa isa sa mga sofa doon.

Tiningnan ko ang relo ko para malaman ang oras. 1:00 AM na. It's already this late. Siguradong nag-aalala na ang mga kasamahan ni Nadine ngayong mga oras na ito. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa kanila.

"Hindi mo ba ma-contact ang mga kasamahan niya?" Tanong ko kay Camille.

Napabuntong-hininga rin siya at tinuro ang bag sa tabi ni Nadine.

"Tiningnan ko yung cellphone niya para tawagan yung manager niya, pero wala talagang sumasagot. And the battery's already dead. Hindi ko na nakuha yung contact number." Sagot naman niya.

"Meron akong number ng manager niya. Pero unattended nung tinawagan ko e." Biglang sulpot ni Alex.

Agad na napunta ang titig namin ni Camille sa kanya.

"Bakit may number ka ng manager ni Nadine?" Ang nagtatakang tanong ko.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Alex nang ma-realize niya ang mga sinabi niya. Pero huli na ang lahat para bawiin pa niya yun.

"Ikaw Alex a! Mukhang may nililihim ka sa amin!" Bigla namang singit ni Ralph, naka-grin.

Agad na namula ang mukha ng kumag at itinago pa niya ang cellphone niya.

"Wala akong nililihim no!" Pag-de-deny pa niya, sabay takbo palabas ng kwarto.

Agad naman siyang hinabol ni Ralph, nang-aasar pa on the way.

Itinuon ko muli kay Nadine ang atensyon ko, na nanatiling tulog sa kinahihigaan niya. Halatang lasing na lasing siya. Mukha naman sa dami ng bote ng beer sa harapan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin talaga natututo ang babaeng yan.

I nudged her shoulder.

"Nadine, uuwi na tayo. Gumising ka na." Ang malakas kong sambit.

She just grumbled something incorrigibly and turned to her side.

Camille looked at me hopelessly.

"Paano na yan? Hindi naman natin siya pwedeng iwanan dito. Tsaka wala naman sa atin ang nakakaalam ng address niya." Sabi niya.

I couldn't help but sigh again.

"Kunin mo yung mga gamit niya at dalhin yun sa kotse." Sabi ko, sabay buhat kay Nadine.

Mukhang gulat si Camille sa biglang pagkilos ko, pero sinunod pa rin niya yung mga sinabi ko.

"Pero saan mo siya dadalhin?" Tanong niya, tumatakbo pasunod sa amin.

I somehow managed to open the passenger door of my car and place Nadine inside. I strapped the seatbelt over her, careful not to wake her up. Sinarado ko yung pinto pagkatapos at ibinalik ang atensyon ko kay Camille, na tapos na rin sa paglalagay ng mga gamit ni Nadine sa backseat.

"Wag kang mag-alala. Alam ko kung saan yung bahay nila." Sabi ko. Hindi ko na inexplain kung paano ko nalaman. Pumunta na lang ako sa driver's side ng kotse ko, pumasok at pinaandar ang engine. I rolled the window down to look at her directly. "Sige, una na kami." Paalam ko.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum