Chapter 43

90.4K 626 24
                                    


Chapter 43: A Pleasant Surprise - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


July 30, 2020


"Here are the documents that you've been asking for, Mr. Santiago." Pahayag ng sekretarya kong si Janine Ramos, sabay abot ng folder na naglalaman ng ilang mga papeles sa akin.

Tumango ako at kinuha ang mga iyon.

"Eto na ba ang lahat ng files ng mga applicants?" Tanong ko, flipping through the pages.

Tumango si Janine.

"Yes, Sir. Compiled na po ang lahat diyan. I've also made a copy of each document in case na may mawala." Sabi niya.

Tumango muli ako at sumandig sa upuan ko.

"Okay, then." Sabi ko.

"Will you be needing anything else, Sir?" Tanong niya.

I set down the folder and turned to look at her.

"When my wife arrives, please inform me immediately. Tapos padiretsuhin mo na agad siya dito sa opisina ko." Paalala ko.

Tumango ang sekretarya ko.

"Is that all, Mr. Santiago?" Ang muling pagtatanong niya.

I nodded and scanned the folder once again.

"That would be all. You can take your leave now." Sabi ko.

"Yes, Sir." Pahayag niya, sabay lakad palabas ng opisina ko.

Mahigit isang taon na ang lumipas simula nung ikasal kami ni Nadine. Ang dami na ring nangyari simula nun. Pagkatapos ng honeymoon namin, agad naman naming inasikaso ang pagtatapos ng mga career namin. Mga isang buwan ata ang lumaon bago dumating ang araw ng finale concert ng banda naming CURSE. Hindi ko nga inaakalang ang dami-daming manood sa concert naming iyon. Pero kung tutuusin, parang hindi na rin nakakagulat na milyun-milyong mga spectators ang dumalo. Posible kasing yun na lang yung kahuli-hulihang pagkakataong may makakanood pa sa aming mag-perform bilang isang banda.

Mga ilang linggo rin ang lumipas bago pa tuluyang magwakas ang career ng banda namin. Ang dami kasing mga press launches, talk shows, at kung anu-ano pang mga interviews na kinailangan pa naming puntahan. Pero after a while, nang matapos na nang tuluyan ang lahat-lahat, ay naumpisahan na rin naming magkakabanda ang kanya-kanya naming mga bagong trabaho.

Sa ngayon, ako na ang bagong may-ari ng music company ng dad ko. Ewan ko nga kung bakit agad-agad niyang ipinaubaya sa akin ang pag-ma-manage ng kumpanyang ito. Kung tutuusin, wala pa ngang isang taon yung training ko dito. Sa tingin ko nga, nagmamadali lang talaga sina Mom at Dad na mag-retire at magpahinga kaya hindi sila nagdalawang-isip na iiwan agad ang resposibilad na 'to sa akin. Hay naku.

A, si Nadine naman?

Model pa rin siya hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi nagtatapos ang kontrata niya sa modeling agency na pinagtatrabauhan niya. Pero lately, bihira na yung pagtanggap niya ng mga job offers. Undergoing training rin kasi siya sa business management ng kumpanya ng mom niya. Buti nga at nababalanse pa niya ang dalawang trabahong iyon. At buti naman dahil sinusuportahan din siya nina Kate, Chad at Jasmine.

"Sir, Mrs. Santiago is here." Narinig kong tawagin sa akin ni Janine sa intercom.

"Send her in." Sagot ko.

"Yes, Sir." Ang huling pahayag ng sekretarya ko bago ma-cut off yung usapan.

Maya-maya'y bumukas ang pintuan ng opisina ko at pumasok ang walang iba kundi ang pinakamamahal at pinakamaganda kong asawa. Agad na may namuong ngiti sa mga labi ko nang makita ko siya at sinalubong ko siya gamit ng isang halik at mahigpit na yakap.

"Wow. Did you miss me that much already?" Ang mapagbirong pahayag niya nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

Hindi ko mapigilang mag-grin nang marinig ko ang mga sinabi niya.

"Siyempre naman. After all, every minute that I spend without you feels like an eternity of loneliness and misery." Sabi ko.

Agad naman niya akong hinampas sa balikat at tumawa.

"Hay naku, Lance. Kahit kailan talaga, ang cheesy-cheesy mo." Asar niya.

Napatawa na rin ako.

"Sus. Pasimple ka pa. Aminin mo na rin kasing kinikilig ka." Sabat ko.

At tulad ng isang bata, she stuck her tongue out at me playfully, still in denial. Pero mamaya-maya'y bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako nang maigi.

"I've got some great news." Ang nakangiting sabi niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at tiningnan siya sa mata.

"Ano naman yun?" Tanong ko. "Does it have something to do with your check-up earlier today?"

Mas lalong lumaki ang ngiti sa mga labi niya, at halatang sabik na sabik na siyang ipaalam sa akin ang good news niya. Hindi ko na rin tuloy mapigilang ma-excite.

These past few days kasi, panay na panay na ako sa pag-aalala sa kondisyon ni Nadine. Lagi na lang siyang nahihilo. Madali pa siyang napapagod kahit sa konting gawain lang. At higit sa lahat, napapadalas na ang pagsusuka niya, lalo na sa umaga. Sino namang hindi mag-aalala kung nagkakaganyan na ang asawa mo no? At siyempre naman, bilang loving husband niya, kailangan kong siguraduhing malayo siya sa kahit anong klase ng sakit, maging physical o emotional pa man yan. Malas ko nga lang at may meeting ako ngayon kaya hindi ko siya nasamahan sa check-up. Pero at least, nandoon naman si Kate para umalalay.

At base sa tuwang nakikita ko sa mga mata ng asawa ko, mukhang wala akong dapat ng ikatakot.

"Lance, you're going to be a daddy!" Tili niya, sabay yakap sa akin nang sobrang higpit.

Nung una talaga, I was too awestruck to react immediately. Parang bigla na lang bumagal ang reception ko. At tila hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"Teka lang..." Umpisa ko, hindi pa rin natatauhan. "Tama ba ang narinig ko? Magiging daddy na ako? Magkakaroon na tayo ng baby?" Hindi ko mapiligang tanungin muli.

Napatingin sa akin si Nadine, at nakita kong merong namumuong mga luha ng kaligayahan sa mga mata niya.

"Yes, Lance. We're going to have a baby." Kumpirma niya.

And with that confirmation, I immediately lifted her up in the air and kissed her wholeheartedly.

"YES! MAGIGING DADDY NA AKO!" Hindi ko mapigilang isigaw nang ibaba ko si Nadine at yakapin muli siya.

She laughed at my reaction and buried her head on my shoulder, sighing contentedly.

"We're going to be a complete family soon, Lance." Bulong niya sa akin.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Yes, we definitely are." Pahayag ko. I kissed her on her forehead and rested my chin on her head, smiling once again. "Thank you. Thank you for making me the happiest man in the whole world." Pagpapasalamat ko.

Hindi na nagsalita muli si Nadine pagkatapos nun. Nanatili na lang siyang nakayakap sa akin, walang planong bumitaw. Alam kong lumuluha na siya sa sobrang ligaya ngayong mga sandaling ito, at kahit ako, nag-uumapaw na rin ang kaligayahang nararamdaman.

Nothing can ever ruin this day. Nothing can ever ruin this happiness. And nothing can ever ruin this love.


Absolutely and completely nothing.




A/N: Photo used is not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon