Chapter 36

95.9K 689 45
                                    


Chapter 36: Reunion - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 17, 2019


Nadine's POV


"Sigurado ka bang lahat ng gamit mo na-empake mo na?" Ang muling pagtatanong ni Kate sa akin, which by now would be about the fiftieth time this morning.

"Yes, Kate. Wag kang mag-alala. Wala akong maiiwanan. Tatlong beses ko na kayang chineck yung mga bagahe ko. Na-empake ko na ang lahat." Sabi ko.

Tumango na lang siya at bumalik sa kwarto para kunin ang mga natitirang gamit niya. Maya-maya'y dumating naman si Chad at ang family driver namin para dalhin sa kotse ang mga bagahe.

"Pakitawag na lang si Kate. We'll be leaving in five minutes." Sabi ni Chad sa akin.

Tumango ako at dumiretso sa kwarto ni Kate. May kausap na naman siya sa cellphone niya pagdating ko doon. Pero mukhang hindi niya napansin ang pagpasok ko.

"Yeah. I'll call you when we leave. Sige. Bye Alex." Sabi niya before she ended the call.

Agad-agad kong hinablot sa kamay niya ang cellphone niya.

"What is this? Kate, meron kang hindi sinasabi sa akin a!" Nakangiti kong sambit habang tinitingnan ang log book niya.

Halos bawat araw ng stay namin dito sa Pilipinas meron siyang tawag na natanggap galing kay Alex. And most of them umaabot pa ng three to four hours ang duration time. Parang himala nga at hindi nauubusan ng baterya yang mga cellphone nila. Hmm, may tinatagu-tago pa 'tong pinsan ko a!

"It's not what you think!" Pag-de-deny pa niya, sabay bawi ng cellphone niya sa akin.

Hindi ko mapigilang tumawa nang makita ko ang namumulang mukha niya.

"Geez. Wag mo na kasing itago. I'll just tease you all the more if you keep looking like that. Tsaka don't worry too much. I won't hover if you don't want to tell me. I'm just glad that you've finally found someone who you want to be with the most." Sabi ko, patting her on the back encouragingly.

Ngumiti siya sa akin, placing a hand over mine.

"Thanks Nadine." Sabi niya. "And rest assured. I'll tell you about everything later. When the right moment arrives."

Naguluhan ako sa mga sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko.

Umiling na lang siya.

"You'll find out later." Was all she said.

Wala na akong ibang magawa kundi ang tumango na lamang. Maya-maya'y bumaba na kaming dalawa at nagpaalam kela Ate Margie, Ate Nena at ilan pa sa mga kasambahay namin doon.

"Ingat po kayo sa biyahe a." Paalala ni Ate Margie.

"Tsaka sana bumisita po ulit kayo dito kahit panandalian lang." Dagdag naman ni Ate Nena.

"Don't worry po. We will." Sabi ko, sabay yakap sa kanilang dalawa.

Lumabas na kami ng bahay ni Kate nang tawagin kami ni Chad. Sumunod sina Ate Margie at Ate Nena sa amin, na agad namang dumiretso sa gate para buksan ito.

"You guys all set?" Tanong ni Chad sa amin ni Kate.

Tumango kaming dalawa at nagsipasok sa kotse. Sumunod na rin si Chad sa amin pagkatapos ipasok ang lahat ng mga bagahe namin sa trunk. Pero nagtaka ako nang makita kong si Kate ang nag-occupy sa passenger seat at si Chad naman yung nasa driver's side.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now