Chapter 50

98.5K 666 93
                                    


Chapter 50: Our Little Angel - Original Version. Watpad Version. Unrevised. Unedited.


April 18, 2021


"Tawagan mo lang kami kung may kakailanganin kayo ni Lyka a?" Paalala sa akin ni Clark, sabay tapik sa balikat ko nung dapit-hapong iyon.

Tumango na lang ako at nanatiling nakasampa doon sa sofa sa sala ng bahay namin, walang kabuhay-buhay at walang kalakas-lakas.

Napabuntong-hininga ang best friend ko nang madatnan niya ang disposisyon ko, at nahahabag na inilapat niya ang kanyang kamay sa braso ko.

"Sige, alis na ako, 'Pre. Bibisitahin na lang namin kayo bukas." Pagpapaalam niya sa akin.

Muli na naman akong tumango sa direksyon niya, hindi na nagsasalita, at mamaya-maya'y umalis na rin siya. Lumipas ang ilang minuto, at nanatili lang ako doon sa pwesto ko, tila wala nang planong umalis. Pero pagkaraan ay nag-atubili na akong umakyat papunta sa kwarto at doon na lang sa kama humilata. Nang di inaasaha'y tumulo ang mga luhang hindi ko namamalayang namumuo na pala mula sa mga mata ko, at muli akong naghinagpis nung mga oras na iyon.

Kakatapos lang ng libing ni Nadine kani-kanina, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katotohanang wala na talaga siya dito sa piling ko. Hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katotohanang iniwan na niya kami ng anak namin. At hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang katotohanang kailanman ay hinding-hindi na siya babalik.

Habang ako'y nagdadalamhati ay bigla ko namang napansin ang notebook na nakaipit sa ilalim ng isa sa mga unan sa ulunan ng kama. Agad ko itong kinuha at pinagmasdan, at dun ko napagtanto na diary pala ni Nadine iyon. Isinuri ko ang mga pahina, hanggang sa makarating ako sa araw ng kasal namin.


June 16, 2019

This was it. This was the day I've been waiting for my whole life. Simula pagkabata, ito talaga ang araw na matagal ko nang ipinapangarap na dumating. And finally, it's happening. And what's best of all is that I'm sharing the most special day of my life with the man who I love with all my heart. My soon-to-be-husband. My other half and soulmate. Finally, I'm getting married to Lance, and I am definite that this day will mark the start of our forever, of our happily ever after.


Isinuri ko muli ang ilan pang mga itinakda niya doon, at napunta ako sa pahina na kung saan ikinukwento niya ang araw na malaman niyang buntis siya.


July 30, 2020

After a fierce deliberation and a nervous breakdown, it's finally confirmed. I'm pregnant. Lance and I are going to be parents soon. Lance and I are going to have our first baby. The family that we've been planning to form for so long is finally going to be complete. And my heart is absolutely overjoyed because of that wonderful news.


Inilipat ko muli ang mga pahina, at napunta naman ako sa araw na kung kailan sinamahan ko siyang magpa-ultrasound para malaman namin ang kasarian ng aming magiging anak.


January 9, 2021

It's a girl. Our baby is a girl. In a few months' time, I'm going to give birth to a beautiful and adorable baby girl. Aaminin ko, gusto ko talagang maging babae ang unang anak namin ni Lance, kaya matinding pasasalamat ang inihahandog ko sa Diyos dahil ipinatupad niya ang kahilingan ko. But, despite the happy atmosphere, I still can't help but feel guilty because of the fact that I'm deceiving Lance.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now