Chapter 17

113K 911 13
                                    


Chapter 17: Babysitters of the Day - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


December 20, 2011


Lance's POV


"Nasaan ka?" Bungad ko kay Nadine pagkasagot niya sa  tawag ko. Hindi ko narinig ang sinabi niya. Ang ingay kasi masyado sa kabilang linya. Saan kaya nagpunta yung babaeng yun? "Hello? Nandiyan ka ba?"

Bigla akong nakarinig ng malakas na bagsak. Parang mga nabasag na plato. Nagsisimula na akong mataranta nang magsalita siya. "Hello, Lance?"

"Anong nangyayari diyan? Tsaka nasaan ka ba?"

"Nasa bahay ako. Pero meron akong ginagawa. Bakit?"

"Pwede ba akong pumunta diyan?"

"Umm...importante kasi yung ginagawa ko e. Next time na lang, Lance. Sige, tawag ka na lang ulit mamaya."

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan?"

"I'll explain it to you later. Bye."

"Teka lang-"

"Oh my gosh! Charlie wag yan!" Narinig kong isigaw niya bago mag-end yung call.

I stared at my phone in disbelief. What the heck? Ano na namang pinaggagawa ng babaeng yun? And most importantly, who the hell is Charlie?!



Nadine's POV


Binalik ko sa bulsa yung cellphone ko at napatingin sa paligid. Mga basag na plato sa sahig. Mga nakakalat na pagkain sa mesa. At isang makulit na three-year-old na nakatayo sa upuan. The kitchen is in a state of calamity.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Ate Nena, na mukhang gulat na gulat din sa kinahinatnan ng kusina.

"Si Charlie kasi bigla na lang nagwala habang pinapakain ko siya. Ayaw niya daw ng pagkain tapos gusto niyang si Ma'am Paula yung magpakain sa kanya."

I sighed and went to the toddler. "Charlie, you know that it's bad to waste food. Dapat sinabi mo na lang kay Ate Nena kung anong gusto mong kainin."

Nag-pout ito. "But I'm not hungry! And I want to play!"

"Then dapat sinabi mo yan kay Ate Nena. Nagkalat ka pa tuloy. Apologize to her."

Naka-pout pa rin siya. Pero maya-maya, bumaba na rin siya sa upuan tsaka lumapit kay Ate Nena. "Sorry po."

"Okay lang yun. Mag-behave ka na ha." Ngiti naman ng katulong.

Charlie nodded. Tumingin siya sa akin pagkatapos. "Tita, can we play?"

Tumango ako at lumapit sa kanya. Bago kami umalis ay lumingon ako sa gawi ng katulong. "Ate Nena, pasensya po talaga pero palinis na lang po ng kusina."

"Okay lang, Ma'am Nadine," saad niya habang nililigpit ang mga basag na plato. Dinala ko si Charlie sa garden, na kung saan nakabantay si Alice. Agad na lumapit yung aso sa amin and I patted her on the head in greeting.

"Go play with Alice for a while, okay?" Sabi ko kay Charlie.

He nodded at agad silang nag-umpisang maglaro ng fetch. Umupo na lang ako sa shed malapit doon para bantayan sila.

Umalis kasi ngayon sina Kuya Drew at Ate Paula kaya pina-babysit nila si Charlie sa akin. At nung lunchtime na, pinasama ko siya kay Ate Nena para kumain. Pero parang wrong move yun base sa nangyari kanina. Hindi ko nga inaakalang magiging ganun yung pamangkin ko e. Kaya next time na i-babysit ko si Charlie, sisiguraduhin kong ako na yung magpapakain sa kanya. Baka magwala na naman yun kung iba yung mag-aasikaso. Spoiled kasi masyado e.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now