Chapter 30

99K 679 17
                                    


Chapter 30: An Unexpected Turnaround - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 6, 2019


"Attention to all passengers, we are now descending towards Ninoy Aquino International Airport. Everyone is advised to return to their seats and put on their seatbelts. No one is allowed to leave their places until the seatbelt sign is turned off. Thank you." Ang announcement ng flight attendant pagkalipas ng halos isang buong araw na biyahe sa eroplano.

I leaned back against my seat and sighed. Sa mga ilang sandali, dadating na rin kami sa Pilipinas. I'm finally returning home.

"Excited?" Tanong ng childhood friend ko at anak ng business partner ni Tito Leo na si Chad Montecillo. He had a warm smile on his face as he looked at me.

"A little bit." Sabi ko, napangiti na rin. I looked out the window and watched as the city of Manila came into view. Nag-uumpisa na ring magliwanag ang paligid. It's already dawn here, and the sunrise was beautiful.

"Oo nga pala. Nasabi mo na ba kela Ate Margie yung time of arrival natin? Baka mamaya wala pa pala yung driver para sunduin tayo." Paalala ni Kate na nakaupo sa seat na located sa aisle.

Tumango ako at tumingin sa relo ko. It's already 6:30 AM. Our expected time of arrival is 6:45. Most likely, nandun na yung sundo namin by this time. Sabi kasi ni Ate Margie kaninang mga 5:30, umalis na daw yung family driver namin papuntang NAIA Terminal. He should most probably be waiting for us there by now.

Pagkalipas ng ilang minuto, the airplane finally landed and we immediately dispersed out of it one by one. Konti lang nga yung nakasama namin sa flight na yun. Wala pa kaming kalahati ng maximum capacity ng eroplano.

As we got inside the terminal and walked towards the baggage claim area, bigla na lang may sumalubong sa akin na isang napakamahigpit na yakap.

"Nadine, it's been so long! I've missed you so much!" Ang agarang bati ni Jasmine sa akin.

I couldn't help but stare at her in astonishment.

"Jas? What are you doing here?" Tanong ko, gulat na gulat pa rin.

Bumitaw siya sa akin at binigyan niya ako ng isang malaking ngiti.

"After you've e-mailed me the other day about your homecoming, I contacted your household para ipaalam sa kanila na kami na lang nina Andrew ang susundo sa inyo." Sabi niya. Napunta naman yung titig niya kela Kate at Chad. "Ah, so you guys must be Kate Montero and Chad Montecillo. Ang dami nang kinuwento si Nadine tungkol sa inyo. Nice to meet you both. I'm Jasmine San Pedro." Pagpapakilala niya.

Lumapit ang dalawa sa kanya at nakipagpalitan ng handshakes. Afterwards, nauna na silang pumunta sa baggage claim area. Sila na lang daw yung bahala sa pagkuha ng mga bagahe namin. Maya-maya'y dumating naman sina Harvey, Andrew at Vanessa, na hingal na hingal at pawisan na.

"Geez. Ang daya mo naman Jasmine! Alam mo namang gusto kong mauna sa pagsalubong kay Nadine eh!" Pagrereklamo ni Vanessa. Biglang napunta yung titig niya sa akin at nanlaki ang mga mata niya. "Nadine!" Tili niya, running towards me.

Agad akong hinila palayo ni Jasmine bago pa niya ako mayakap. She placed a protective arm around me and stuck her tongue out.

"She's mine. Ako yung best friend kaya dapat ako yung mauna!" Pang-aasar niya.

Agad na nag-pout si Vanessa.

"That's so mean! I just want to hug her too!" Pagrereklamo na naman niya.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon