Chapter 45

89.1K 527 27
                                    


Chapter 45: Untold Secrets - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


January 9, 2021


"Sa tingin ko talaga, boy yang magiging baby natin." Ang biglang pahayag ni Lance habang nagmamaneho papunta sa St. Luke's Medical Center nung umagang iyon.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong may namuong grin sa mukha niya. Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay.

"And what makes you think that our baby is going to be a boy? She might as well be a girl for all we know!" Protesta ko.

Tinawanan lang ng gung-gong kong asawa ang mga sinabi ko.

"Nadine, our baby is definitely a boy. Siguradong-sigurado ako." Was his very confident remark.

I rolled my eyes and crossed my arms.

"At sabi ko naman, girl ang baby natin." Sabat ko.

He smirked at my direction and playfully stuck his tongue out.

"Nope, I'm sure that it's a boy. I can feel it."

"It's a girl!"

"Boy."

"Girl!"

"Boy."

"GIRL!"

Nagpatuloy lang ang debate naming iyon hanggang sa makarating na kami sa destinasyon namin at naparada na ni Lance yung kotse.

"Okay, fine. Tell you what?" Sabi niya, sabay patay ng engine. He turned to look at me and gave me a wink. "Let's make a bet. Tingnan natin kung sino nga sa ating dalawa ang tama sa magiging gender ng baby natin." Deklara niya.

I smiled mischievously.

"That's fine with me. Pero, ano naman ang makukuha ng mananalo?" Tanong ko.

My husband grinned.

"Para naman pantay, kung sino man ang mananalo sa ating dalawa, siya ang may karapatang magbigay ng first name ng baby natin. At yung matatalo, second name lang yung ibibigay." Sabi niya.

I thought about his suggestion and nodded afterwards.

"Sounds fair to me." Sang-ayon ko. "Pero be prepared, Mr. Lance Santiago. Mag-isip-isip ka na ng magiging second name ng first daughter natin." Sabi ko.

Tinawanan na naman niya ako.

"Ikaw ang dapat maghanda, Mrs. Nadine Santiago. Kasi ang ipapangalan ko sa magiging baby boy natin ay Lance Junior." Sagot naman niya, sabay labas sa driver's side.

I couldn't help but roll my eyes once again. What the heck? Lance Junior? Seryoso ba talaga 'tong gung-gong na 'to? Hay naku. Wala talagang originality kahit kailan.

Pagkatapos nun ay inalalayan ako ni Lance palabas ng kotse. Siyempre naman, I definitely needed the support. I'm already six months pregnant!

Dumiretso kami sa loob ng ospital at pumasok sa examination room, na kung saan naghihintay si Ate Tin. She greeted the both of us with a hug, and afterwards, we proceeded with the diagnostic ultrasound.

"Maghanda ka na ng listahan ng girl names, Lance!" Deklara ko habang inalalayan akong humiga ni Ate Tin sa hospital bed.

Binigyan lang ako ni Lance ng isang mapang-asar na grin.

"Ikaw ang dapat na maghanda ng listahan." Sagot niya. "Tandaan mo ha? Kailangan babagay yung second name sa pangalan na Lance." Dagdag pa niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at makikipagdebate pa sana, pero kailangan na naming tumigil since the procedure was already beginning. The whole time, nanatili lang si Lance sa tabi ko, holding my hand gently. After a few minutes, may lumabas na mga images sa monitor ng ultrasound machine after Ate Tin moved the transducer over my belly.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon