Epilogue

107K 883 206
                                    


Epilogue - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


February 12, 2025


"Wake up, Daddy! Wake up!" Ang paulit-ulit na pangungulit sa akin ni Lyka habang pinapalo ako ng isa sa mga unan sa kama ko.

"Just five more minutes." Protesta ko naman, sabay tungo sa kabilang direksyon.

"Daddy!" Reklamo ng anak ko, na siyang hindi ko naman pinansin.

Ipinikit ko muli ang mga mata ko at sinubukang makatulog ulit, pero mamaya-maya'y naramdaman ko ang pag-akyat ni Lyka sa kama, at nang walang babala'y nag-umpisa siyang lumundag hanggang sa magising na talaga ako nang tuluyan.

"Oo na, oo na. I'm up." Ang naalimpungatan kong pahayag, sabay upo.

Tumigil na rin siya sa pagtalon at bumaba sa higaan ko. Agad niya akong binigyan ng isang mapaglarong ngiti.

"Dali na, Daddy. Mommy's waiting for us. I really want to see her." Pagpipilit niya.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko ang mga sinabi niya.

"I'm sure that Mommy wants to see you too." Sabi ko, sabay gulo ng buhok niya. "Sige, get prepared. Aalis na tayo mamaya-maya." Dagdag ko.

Napatili naman ang anak ko dahil sa sobrang pananabik at nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto.

"Bilisan mo Daddy a!" Paalala niya bago tuluyang umalis.

Humikab ako nang ilang beses, at nang lumipas ang ilang saglit ay dahan-dahan akong bumangon mula sa aking higaan at umunat. Agad na napunta ang titig ko sa nag-iisang larawang nakapatong sa bedside table ko, at kinuha ko iyon at hinalikan.

"Happy Birthday Nadine." Sabi ko, sabay ngiti.

Ibinalik ko ito sa dati nitong pwesto at tumungo papunta sa banyo para maligo at mag-ayos. Nang dumaan ang halos labinlimang minuto ay bumaba ako papunta sa kusina, bihis at handa na. Sabay kaming kumain ni Lyka, at pagkatapos nun ay umalis na kami para pumunta sa sementeryo.

"Daddy, everyone will be there to visit Mommy later, right?" Tanong ng anak ko sa akin habang nasa kotse.

Halatang excited na excited na talaga siyang makarating kami, kasi mukhang hindi siya mapalagay sa backseat, at ilang beses pa siyang sumusulyap-sulyap sa bintana para tingnan kung malapit na kami.

"Of course. Everyone will definitely be there." Sagot ko, sabay liko papunta sa kabilang kanto.

Pinagmasdan ko si Lyka sa rearview mirror, at nanatili naman siyang nakatitig sa labas ng kotse, tinitingnan ang aming mga dinadaanan. Lumingon ako saglit para tingnan siya nang diretso.

"Do you miss Mommy, Angel?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin na rin siya sa akin at inuguy-ugoy niya ang kanyang mga paa, nag-iisip.

"Yes, Daddy. Very much." Ang matipid na sagot niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Do you want to have a new mommy then?" Dagdag ko.

Tinitigan ako niya ako nang maigi, halatang naguguluhan.

"New mommy?" Ulit niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Well, do you?" Pagtatanong ko muli.

Nakita ko siyang nag-pout.

"Pero may Mommy na po ako diba? Si Mommy Nadine." Ang naguguluhang sambit niya.

Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya nung mga sandaling iyon.

"O-Oo nga. Pero what I mean to say is, don't you want a Mommy who is always present? Yung laging nandiyan sa tabi mo lalo na kapag wala ako?"

Napangiti naman bigla si Lyka.

"But Mommy Nadine is always beside me. Tsaka sabi niyo po lagi niya tayong binabantayan kahit nasa heaven na siya. I don't want a new mommy if I already have her." Sagot niya.

Hindi ko mapigilang ngumiti na rin nang marinig ko ang mga sinabi niya.

"I guess you're right." Sabi ko.

Lumipas ang ilan pang mga minuto, at nakarating na rin kami sa Manila Memorial Park sa wakas. Agad na lumabas ng kotse si Lyka nang maiparada ko na iyon, at tumungo papunta sa private mausoleum na siyang libingan ng asawa ko. Sa tabi nito ay isa pang mausoleum, na siyang libingan naman ng mga magulang niya. Nandoon na rin sina Kate at Jasmine, kasama ang mga asawa at anak nila, hinahanda ang mga pagkain para sa pagtitipon.

"Lyka!" Ang sabay na tawag ng kambal na sina Bliss at Blair sa anak ko, na siyang mga anak naman nina Kate at Alex. Kasama rin nila ang anak nina Jasmine at Clark na si Keith.

Nagmadaling tumungo papunta sa kanila si Lyka, at sama-sama silang naglakad palapit sa libingan ni Nadine. Nakita ko silang umupo sa harapan nito, at nag-umpisa silang magdasal nang mataimtim.

Lumapit naman si Jasmine sa akin, sabay tapik sa balikat ko.

"Sinong mag-aakalang halos apat na taon na pala ang lumipas simula nung iwan niya tayo?" Ang tahimik na pahayag niya.

Pinagkibit ko ang mga balikat ko, at napatingin sa libingan ng asawa ko, na kung saan may nakapatong na litrato niya.

"Hindi naman niya tayo talaga iniwan. Nandito pa rin siya sa puso't mga ala-ala natin." Sambit ko.

Napangiti si Jasmine at napatingin na rin sa libingan.

"You know what? Nadine has always hated her birthday ever since her parents' deaths. She always thought of it as one of the most sorrowful days of her life, but for me, I don't think that's the case. Because the day she was born was a great blessing to all of us." Sabi niya.

Tumango ako at napangiti na rin, patuloy lang sa pagtitig sa litrato ng asawa ko.

Nadine, tinutupad ko na ang mga hinihiling mo sa akin. I'm living every remaining day of my life to the fullest, at inaalagaan ko nang mabuti ang anak natin. Pero sadyang hindi ko talaga maisasakatuparan ang isang pakiusap mo. Hindi ko talaga kasi magagawang palitan ka na lang nang ganun. Kahit si Lyka, ayaw rin. At sa totoo lang, labag talaga sa loob ko ang maghanap ng kapalit mo. Kasi kahit anong gawin ko, kahit anong pilit ko, at kahit wala ka man sa tabi ko, ikaw pa rin ang nag-iisang babaeng mamahalin ko habambuhay.

Kaya pasensya na Nadine kung hindi ko matutupad ang pangako kong iyon. Wag kang mag-alala, lagi ka naman naming inaalala ng lahat ng mga mahal mo sa buhay. Ang ala-ala mo ay mananatiling nakatatak sa aming mga puso't isipan, lalo na sa amin ng anak mo.

"Daddy, dali na! Let's pray for Mommy together!" Biglang tawag sa akin ni Lyka, may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Napangiti na rin ako at sumunod sa kanya.

"Yes, Angel." Sabi ko.

Oo nga pala, Nadine. Alam mo na ba ang second name ni Lyka? Sigurado akong matutuwa ka sa napili kong pangalan.


Lyka Nadine Santiago.


Sounds perfect, right? After all, ipinangalan ko sa anak natin ang pinakamagandang pangalan sa lahat. Ang pangalan ng babaeng pinakamamahal ko.


I will always love you Nadine Beatrice Gonzalez – Santiago.


Forever and ever.




THE END




A/N: Photo and video used are not mine. Credits to the owners.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang