Chapter 31

97.8K 659 22
                                    


Chapter 31: Clash - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 8, 2019


Nadine's POV


"Good luck on your shooting." Sabi sa akin ni Chad as Kate and I got out of his car that early Monday morning. He had a warm smile on his face, and he was giving me a thumbs-up with a matching wink.

Tumango ako at napangiti na rin sa kanya.

"Thank you. Good luck on your business proposal." Sabi ko.

He nodded, and afterwards, rolled up the window and drove away.

Since si Chad yung tagapagmana ng kumpanya ng dad niya, he also underwent a long-term business training katulad ko. Fabrics yung main product ng kumpanya nila, kaya naging mag-business partners sina Tito Leo at ang dad niya in order to have a faster mass production. Yung Montecillo Industries yung main supplier namin, and they've also become one of our most important investors. Tatlong taon na ang lumipas simula nung mag-umpisa ng training si Chad, and pretty soon, he'll be managing his dad's company on his own.

Saktong-sakto kasi sa araw ng shooting ko, merong importanteng business meeting si Chad sa mga investors nila dito sa Pinas. And since we're all going to the same place at almost exactly the same date, we all decided to book the same flight papunta at paalis ng Pilipinas para sabay-sabay na lang kaming makauwi. And fortunately, nag-approve naman si Tito Leo sa plano namin. During our temporary stay here, doon kami manunuluyan sa bahay namin, which was still in good condition dahil pinapangalagaan at tinutuluyan pa rin ito nina Ate Margie at iba pa naming mga kasambahay.

Sabay kaming naglakad ni Kate papunta sa entrance ng LEX Studios, yung studio na kung saan gagawin namin yung PV, at agad na dumiretso papunta sa main building. Mga ilang talampakan na lang ang layo namin doon nang biglang may sumalubong sa aking lalaki, who had spiky dark hair and was wearing baggy jeans and a sweatshirt. May namuong ngiti sa kanyang mukha nang makita niya ako.

"Ikaw nga! Ikaw si NBG! Ang modelong mala-anghel na nahulog sa langit!" Sabi niya. Bigla naman niyang hiwakan ang dalawang kamay ko at tinitigan ako sa mata. Masyado akong nagulat sa ginawa niya at hindi makapagsalita. I wanted to retreat back a few steps, pero he held me in place.

"Excuse me, but who are you?" Demanda ni Kate, giving him a pointed look. Lumapit siya sa amin at tinanggal ang kapit nung lalaki sa mga kamay ko. "If you're a fan and want an autograph, then please approach my client rationally. Hindi ganyan." She criticized.

May sasabihin sana yung lalaki pero biglang may sumulpot na isa pa. Pero this time, hindi ako yung nilapitan.

"Geez Ralph. Alam kong excited ka, pero wag ka namang ganyan no. You're scaring her. At sa huli, kesa makipagkaibigan siya sa iyo, baka layuan ka lang niya." Sabi nung ikalawang guy. Napatingin siya sa amin ni Kate. "Pagpasensyahan niyo na 'tong kaibigan ko a. Masyado kasi siyang na-excite nang makita yung crush niya e." Pagpapaumanhin niya.

Kate rolled her eyes at them. She stepped up in front of me, having me back off.

"Sa susunod, pagsabihan mo yang kaibigan mo. My client has a very important job. Paano kung nasaktan siya dahil dun? She's a model. A public figure that a lot of people are looking up to. Kaya bawat kilos niya, kailangang maingat. And as her manager, I plan to keep it that way." Pagtataray niya.

"Kate, seriously, it's fine. Wala namang masamang nangyari e." Sabi ko, trying to persuade her to keep her cool down.

She just ignored me and continued to glare at the two guys. Geez. Sometimes Kate can be too much of a nagger.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon