Chapter 38

94.6K 606 28
                                    


Chapter 38: Disapproval - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 20, 2019


Lance's POV


"Finally, you've arrived." Ang agad na pagsalubong ni Nadine sa akin pagkadating na pagkadating ko sa bahay nila nung gabing iyon.

Isang ngiti ang agad na namuo sa mga labi ko nang makita ko siya, and I greeted her with a hug and a kiss on the cheek.

"Kanina mo pa ba ako hinihintay?" Tanong ko sa kanya. Magkasama kaming naglakad papunta sa garden na nasa likod ng bahay nila.

"Hindi naman ganun katagal." Sagot niya, resting her head on my shoulder.

Narinig ko ang ingay galing sa garden nila. Mukhang madami na yung mga bisitang dumating. Thirtieth anniversary kasi ng kumpanyang pinagmamay-ari ng dad ni Nadine, kaya gumanap sila ng isang dinner party bilang celebration. Since wala na sina Tito David at Tita Clare sa ngayon, ang namumuno na sa kumpanyang iyon ay ang kuya ni Nadine na si Kuya Drew, na siyang tinutulungan naman ng Tito Leo nila. Nakakagulat nga at naisipan niyang imbitahin ako dito kahit hindi naman nila ako empleyado.

"Nga pala, Charlie really wants to see you. Na-miss ka kaya nun nang sobra-sobra. After all, it's been more than seven years since he last saw you." Sabi ni Nadine.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko ang mga sinabi niya. Na-miss ko na rin ang pamangkin ni Nadine na si Charlie. The last time I saw him was during Tito David and Tita Clare's burial seven years ago, and he was only three years old at that time. Most likely, he would be nine or ten by now.

"Buti naman. Na-miss ko na rin kasi yung batang yun e." Sabi ko.

"Oo nga pala, I almost forgot to mention. Kuya na si Charlie ngayon. He's got a little sister who's turning five this year. Angie yung name niya, and she is simply ADORABLE." Ngiti ni Nadine.

May namuo na namang ngiti sa mga labi ko.

"Talaga? I'd really like to meet her then." Sabi ko.

Dumating na rin kami sa garden, at tama nga talaga ang hinala ko. The place was full of guests, from employees to business partners to clients, and everyone was huddled in groups, all having their own conversations. Naaalala ko tuloy yung Christmas Party na ginanap dito sa bahay nina Nadine noon. It was almost exactly like today, pero parang mas madami ang mga tao ngayon.

"A, ayun si Tito." Sabi ni Nadine, sabay turo sa businessman na nasa sentro ng isang malaking crowd.

He looked like he was in his late sixties, and it was obvious that he was the type of man who was strict and formal with everything. So totoo nga, he looked like the exact opposite of Nadine's dad, despite them being siblings. Pero siyempre, masama naman kung paghuhusgahan ko agad yung tao bago ko pa siya makilala nang lubusan. He might actually be nice like Tito David.

Napansin niya kami at agad niyang inexcuse ang sarili sa mga kausap niya para puntahan kami.

"Ah, so this must be the infamous Lance Santiago then." Ang agarang bati niya habang naglalakad papunta sa amin. Inabot niya ang kamay niya sa akin pagdating niya, which I immediately shook. "Leonard Gonzalez, Nadine's uncle." Pagpapakilala niya.

"Nice to meet you, Sir." Sabi ko.

Tumango siya, giving me a hard, provocative stare. I tried not to flinch at his look and forced myself to look indifferent. Itinuon naman niya kay Nadine ang atensyon niya.

"Your Ate Paula is looking for you pala. You should go to her." Sabi niya.

Agad na napunta ang tingin ni Nadine sa akin, and she gave me the same look she had nung nagkakilala kami ng dad niya noon. I squeezed her hand in assurance and nodded. Tumango na rin siya at tumingin sa tito niya.

"Sige po. Excuse me for a while." Sabi niya, sabay bitaw sa kamay ko.

Hinintay ko siyang tuluyang makaalis bago ko itinuon sa tito niya ang atensyon ko. Alam ko namang gusto niya akong kausapin nang kaming dalawa lang kaya niya pinaalis si Nadine. Parang déjà vu tuloy ang nangyayari ngayon. And if all goes well, I'll be leaving this party with Mr. Leo's approval.

"So, ikaw pala ang dahilan kung bakit hindi nakabalik si Nadine sa America three days ago." He remarked, giving me a stern look.

I managed to meet his eyes without flinching. Unlike Tito David, nakaka-intimidate talaga ang Tito Leo ni Nadine. Alam niyo ba yung feeling na bigla kang tiningnan nang sobrang sama ng pinakakinatatakutan niyong teacher? Kung alam niyo yung feeling na yun, edi alam niyo na kung anong nararamdaman ko ngayong mga oras na ito.

"Pasensya na po, Mr. Gonzalez. I hope that what happened earlier doesn't conflict with Nadine's busy schedule." Pagpapaumanhin ko.

His look of disapproval still never wavered.

"I hope so. Or else we'll really have problems, Mr. Santiago." Sabi niya.

Napailing ako.

"Sir, if you've got any dislike or disapproval..." I started, when suddenly, he cut me off.

"I'll get it to you straight, Mr. Santiago. Just to make things clear between you and me. I don't approve of you. I don't want you for Nadine. So it'd be better if you just stop seeing her, okay?" Ang matatalas niyang salita.

Hindi na ako nabigyan ng pagkakataong depensahan ang sarili ko, kasi bigla namang dumating si Nadine, naguguluhan ang ekspresyon sa mukha.

"Tito, hindi naman po ako hinahanap ni Ate Paula." Sabi niya, nagtataka.

Napunta sa kanya ang tingin ng tito niya. Ngumiti ito at nagbigay ng isang pilit na tawa.

"A, talaga? Pasensya na Nadine. Mukhang tumatanda na nga talaga ako." Sabi niya. Napunta muli sa akin ang titig niya. "Anyways, I better leave the two of you alone. Nice meeting you, Mr. Santiago." At bago siya umalis, binigyan niya ulit ako ng isang mabalasik na tingin, habang naniniguradong hindi yun makita ni Nadine.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga nang tuluyan na siyang makaalis. Dun ko naman napansing nakatingin pala sa akin si Nadine, nag-aalala. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ako sa mata.

"Anong nangyari? May sinabi bang masama si Tito Leo sa'yo?" Tanong niya.

Umiling ako at pilit na ngumiti.

"Wag kang mag-alala. Wala siyang sinabing masama." Sabi ko.

Halatang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Pero bago pa siya makapagtanong ulit, I grasped her hand tightly and held her close to me, wishing that I never had to let go of her ever again.

"Lance?" Ang nagtatakang tanong niya.

"Wag kang mag-alala. Walang problema." Sabi ko, trying so hard to convince not only her, but myself as well.

Pero sa totoo lang, meron nga talagang problema.


At hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para mabigyan ito ng solusyon.




A/N: Photo used is not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon