Chapter 48

90.2K 546 66
                                    


Chapter 48: Lost Hope - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 11, 2021


"Lance, magpahinga ka na. Kahit ilang oras man lang." Yan ang panglimang beses na pinakiusapan ako ni Kate nung umagang iyon.

Lumingon ako patungo sa direksyon niya, at nakita kong nakatayo siya sa likuran ng upuan ko, may nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Pinagkibit ko na lang ang mga balikat ko bilang sagot at itinuon muli ang atensyon ko kay Nadine, na siyang nakahiga sa hospital bed na nasa tapat ko.

Hanggang ngayon, kahit lumipas na ang halos isang buong araw simula nung matapos ang operasyon sa kanya, hindi pa rin siya nagigising. At hangga't hindi pa siya nagkakaroon ng malay ay wala akong planong umalis sa tabi niya. Kahit umabot man ako ng isang buwan sa pagbabantay dito.

"Lance, makinig ka naman sa amin. Baka ikaw pa ang magkasakit kung ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo." Dagdag naman ni Jasmine.

"Tama sila, Lance. Kailangan mo ring magpahinga. Wala ka pa namang tulog simula kahapon. Kami na muna ang magbabantay kay Nadine habang wala ka." Sang-ayon rin ni Clark.

Hindi ko pa rin sila pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamasid sa asawa ko. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya at inilapat iyon sa pisngi ko, nakatitig lang sa mukha niya at hindi umiimik. Ilang beses ring napunta ang tingin ko sa hospital crib na malapit-lapit lang sa kinauupuan ko, na kung saan natutulog ang bagong-silang naming anak na si Lyka.

Habang pinagmamasdan ko ang munting sanggol ay agad ko namang naalala ang naging usapan namin ni Nadine noon kung bakit yun ang napili niyang pangalan para sa baby namin.


"Bakit naman Lyka ang naisip mong ipangalan?"

"Yun yung gusto ko e! Tsaka hindi ba't cute naman?"

"Cute rin naman kung tutuusin."

"Tss. Parang ayaw mo naman sa suggestion ko e!"

"Hindi naman sa ganun. Nagtataka lang talaga ako kung bakit yun yung napili mo."

"Duh! Ang slow mo talaga kahit kailan, Lance! Siyempre galing yun sa pangalan mo!"

"Talaga? Pero hindi ba't parang ang layo pa rin? Tsaka marami namang ibang mga pangalang mas malapit pa sa Lance diba? For example, Lana or Lanie. Pwede nga rin ang Lanelle e."

"Wow ha. Parang ang dami mo namang alam na mga pangalan ng babae, Lance. Wag mong sabihing may mga kakilala ka talagang yun yung pangalan?"

"H-Ha? A-Ako? Siyempre wala no!"

"Palusot ka pa! Bahala ka na nga sa buhay mo!"

"Teka, totoo naman ang mga sinabi ko ah! Wala talaga, promise!"

"Whatever. Basta Lyka na ang pangalang ibibigay ko sa baby natin. Ayoko ng mga masyadong common na may mga kaartehan pa. At kahit papano, sa Pilipinas lang madalas gamitin ang pangalan na yun kaya parang unique na rin kung tutuusin."

"Kung sabagay, tama ka rin. Pero ano ba ang ibig sabihin ng 'Lyka'?"

"That's what makes it even more special. Walang tunay na kahulugan ang pangalan na yun. So if that's the case, pwedeng tayo na lang ang mag-interpret. And for me, the meaning of the name Lyka is 'star'."

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now