Chapter 9

130K 1.1K 28
                                    


Chapter 9: Realizations - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


November 20, 2011


"Okay, spill!" Jasmine said as she sat down on my bed that Sunday night.

I sighed and crossed my arms, raising an eyebrow at her. "Akala ko ba magkikita-kita tayo sa bahay ni Andrew? Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?"

"Well duh! I'm here for an explanation dummy." Based on the way she looked at me, parang ini-imply niyang sobrang napaka-oblivious ko. Sigh. Lagi na lang 'tong nangyayari e.

"Hindi ba pwedeng some other time na lang natin 'to pag-usapan? We're gonna be late kung hindi pa tayo umalis ngayon."

"No way. Ilang araw mo na kaming pinaghihintay ni Andrew ng explanation mo. I don't want to wait any longer than that. Besides, hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo." Sabi niya with a determined look on her face. Tapos tinanggal pa niya ang suot niyang Converse sneakers and sat cross-legged on my bed. Damn. For sure matatagalan talaga kami dito. Bakit ba kasi ang sobrang stubborn ng best friend ko?

I guess wala na talaga akong ibang choice kundi ang sabihin na sa kanya ang lahat. This is the moment of truth. Sighing, umupo ako sa recliner na nasa tapat ng kama ko. "Ano bang gusto mong malaman?"

She gave a satisfied grin. "I want to know EVERYTHING. Right from the start hanggang sa huli. At dapat, wala kang ma-le-left out na kahit ni isang detalye man."

I leaned back on my seat and sighed again. Then, ayun. I told her everything. Simula nung una kaming magkakilala ni Lance. Nung naging kami by accident sa park. Yung first date namin that turned into a total disaster. At yung pagkikita naming apat nina Austin at Rachel malapit sa Mcdo recently. I told her every single detail about what happened on those events.

And surprisingly, nakinig lang si Jasmine. Hindi siya umimik habang kinukwento ko sa kanya ang mga pangyayaring naganap sa akin. This is one of the reasons kung bakit ko siya best friend. Siya ang tipo ng kaibigang willing na makinig sa mga problema mo kahit madaling araw ka pa tumawag. Siya rin ang tipo ng kaibigang handang magsimula ng away kapag inaapi ang mga kaibigan niya. And most of all, siya ang tipo ng kaibigang hindi mang-iiwan kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon.

"And that's about it." Sabi ko when I finished.

There was silence afterwards. Napatingin ako kay Jasmine. Hindi pa rin siya umiimik. She just remained silent at tiningnan niya lang ako nang maigi, as though ine-examine niya ako. "Well, that was completely unexpected." Ang tagal-tagal mong hindi umimik tapos yun lang pala ang sasabihin mo?!

I sighed. "Well, that's one way to put it."

She gave a thoughtful look. "No. I mean, that was totally unexpected of Lance. Never naman siyang naging ganito before."

"What do you mean?"

Tumingin siya ulit sa akin, as though contemplating her thoughts. "For example, hindi si Lance yung tipo ng guy na nagbibigay ng effort para makakuha ng girl. At most times, hinahayaan niya lang na siya yung habulin, not the other way around."

Well, I guess totoo naman yun. Obvious naman e. Unang tingin mo palang kay Lance, malalaman mo na agad na playboy yun.

"Tapos, he isn't the type of guy na nakikipag-away sa girl. Kahit playboy pa yun, may gentleman side rin naman siya. He doesn't argue with any of his past girlfriends. At least, sa mga girls na gusto talaga niya. Kung ayaw niya naman yung girl, he doesn't hesitate to break off the relationship."

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα