Chapter 13

117K 911 44
                                    


Chapter 13: Regrets - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


November 27, 2011


"Nandito na tayo." Tugon ni Andrew from the driver side ng kotse niya.

"Thank you po talaga sa pagsama sa amin Kuya Fred." Sabi ko sa kuya ni Andrew na nakaupo sa passenger side. Under adult supervision pa rin kasi si Andrew kaya hindi pa siya pwedeng magmaneho nang walang kasamang may lisensya.

Kuya Fred smiled at nodded. "Matagal ba kayo?"

I shook my head. "May kakausapin lang po kami sa loob. Mga at least thirty minutes lang naman po kami doon."

"Sige, hihintayin ko na lang kayo dito."

"Hindi ka papasok sa loob?" Tanong ni Andrew.

"Hindi na. Baka maghanapan pa tayo mamaya sa loob. Matatagalan pa tayo. Matutulog na lang muna ako dito. Tapikin niyo na lang yung bintana pagbalik niyo ha."

Andrew and I nodded and got out of the car.

"Ano ba kasing sobrang importante na kailangan mo talagang pumunta dito ngayon?" Tanong ni Andrew nung malapit na kami sa club.

"Kasi kailangan ko na talagang kausapin si Lance."

"Yung boyfriend mo? Bakit? Nag-away ba kayo?"

Napailing ako. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi si Jasmine yung sinama ko ngayon. Alam ko kasing magkakaroon ng confrontation kung siya ang kasama ko. At alam kong she'll end up defending me samantalang papanig naman si Clark kay Lance. Ayokong mag-away yung dalawa dahil lang sa isang misunderstanding sa pagitan namin. Baka mas lumala pa ang sitwasyon. It's already complicated as it is. And it's better na hindi rin alam ni Andrew ang sitwasyon ko. It's better na konti lang ang nakakaalam ng nangyari. "Hindi no. Nakalimutan niya kasing ibalik yung relo ko last Friday. Alam mo namang hindi ako sanay na walang suot na relo diba?"

"A, kaya naman pala. Akala ko kung ano na yung nangyari." Parang himala at natingnan ko pa rin siya sa mata pagkatapos nun.

Nung pagdating namin sa entrance, nilabas ni Andrew yung membership pass niya tsaka pinakita yun kay Matt. At nung pinapasok na niya kami, agad ko siyang nilapitan. "Umm, excuse me."

"Ano yun, Miss?"

"Mag-pe-perform ba sina Lance ngayon?"

Recognition flashed in his eyes. Nginitian niya ako. "Ah, kaya pala parang pamilyar yung mukha mo. Girlfriend ka ni Lance diba? Kakatapos lang nilang mag-perform. Mga about ten minutes bago kayo dumating."

I frowned in disappointment. Maybe I'm too late. "Nakauwi na ba siya?"

"Parang hindi pa naman. Hindi ko siya nakitang lumabas. Most probably, nasa rooftop siya." Turo niya sa hagdanan sa dulo ng hall. "Meron ring elevator doon pero hanggang 3rd floor lang yung hangganan."

"Thank you." I said before turning to leave.

"No prob."

Sinamahan ako ni Andrew hanggang sa 3rd floor ng building. "Sige, hihintayin na lang kita dito."

I nodded and went upstairs. Binuksan ko yung pintuang papasok sa rooftop. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin sa pagkapasok ko. Nag-uumpisa na kasing lumamig ang panahon dahil malapit nang mag-December. Pero kahit ganun, hindi naman masyadong madalas yung pag-ulan. Napatingin ako sa langit. Ang daming mga bituin. Ang ganda ng gabi.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now