Chapter 40

92.4K 610 36
                                    


Chapter 40: Prove His Worth - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


April 23, 2019


Lance's POV


"So glad that you've finally arrived, Mr. Santiago." Ang mapait na bati ni Leonard Gonzalez sa akin pagkadating na pagkadating ko sa coffee shop nung hapong iyon.

Napailing ako sa mga sinabi niya, pero pinilit ko ang sarili kong magkunwaring hindi apektado. Umupo ako sa tapat niya at nilagay sa tabi ang gitara ko.

"Sorry for making you wait, Mr. Gonzalez. I had rehearsals to attend to, so I really didn't notice the time." Pagpapaumanhin ko.

Hindi pa rin niya nilalayo ang masamang tingin niya sa akin.

"As expected of someone like you." Sabi niya, sabay buntong-hininga. "After all, you're the type of person who doesn't care about other people's time right?" Pagdidiin pa niya.

Pinigilan ko ang sarili kong umiling muli. I have to stay composed and indifferent. Kailangan kong magpakatatag. At kahit mahirap, kailangan kong tiisin muna ang pagtatrato niya sa akin. Para rin naman 'to kay Nadine. Para sa relationship namin. At para na rin sa akin. 'Cause I have to prove my worth no matter what. I have to show everyone that I'm completely capable of making Nadine happy. I have to gain Mr. Leo's approval and trust.

I swallowed hard and forced myself to look at him in the eye.

"I'm really sorry, Sir. I'll make sure that it won't be repeated again." Sabi ko.

Buti naman at nilayo na rin niya ang tingin niya sa akin. Nakahinga na ako nang maluwag kahit papano.

Sigurado akong nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ng tito ni Nadine ngayon. Sa totoo lang, naguguluhan nga rin ako sa mga pangyayaring nagaganap ngayon. Kahit ako nagtataka kung paano nangyari ang lahat-lahat. Bigla na lang kasi akong tinawagan ni Mr. Leo kahapon during band rehearsals, commanding that I meet up with him today. And since nasa hate-list niya ako sa kasalukuyan, wala akong choice kundi ang pumayag na lang. Siyempre naman, ayoko na siyang bigyan pa ng dahilan para mas lalo akong kalukdan.

"Sigurado naman akong meron ka nang ideya kung bakit kita pinapunta dito." Umpisa ni Mr. Leo.

Tumango ako.

Siyempre alam ko na kung saan tutungo itong usapan na 'to. Ano pa kayang magiging topic namin kundi ang tungkol sa relasyon namin ni Nadine? Hay. Sa totoo nga, mukhang mas lalo lang naging komplikado ang sitwasyon namin. Alam niyo na rin namang naglayas si Nadine sa kanila diba? Hindi ko nga inaakalang gagawin niya yun. Ano kayang nangyari at bigla na lang niyang naisipang gawin yun? Ayaw pa kasi niyang sabihin sa akin e. Pero meron na akong hinala sa mga posibleng nangyari. At masama ang kutob ko tungkol sa mga iyon.

"That's good then. It looks like we're on the same page here, Mr. Santiago." Ang pagpapatuloy ni Mr. Leo. Tiningnan niya ako nang maigi at inilapat niya ang kanyang mga siko sa mesa. "So to cut things short, pinapunta kita dito para pakiusapan kang hiwalayan ang pamangkin ko. No offense intended, but I really don't think that you are the right man for Nadine. I don't see a happy future for my niece with you by her side. Frankly speaking, the mere fact that you've already made her life so complicated already proves my point. So please, just break up with her." Ang diretsahang pagsabi niya.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, napapaisip. Ewan ko nga kung bakit, pero hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya. Kung tutuusin, parang ine-expect ko na rin yun e.

Napabuntong-hininga ako.

"Sir, I know that you don't see me as a worthy man for someone as special as Nadine. Pero sana naman intindihin niyo po yung katotohanang mahal namin ang isa't isa. At wala po akong planong iwanan siya kahit itakwil man niya ako. Wala po akong planong bitawan siya. Wala po akong planong pakawalan siya. Kasi siya lang talaga ang natatanging babaeng mamahalin ko habambuhay. At kailanma'y hinding-hindi yun magbabago." Sabi ko. "So I'm really hoping that you would just accept that fact. 'Cause I'm considering taking Nadine as my wife in the near future. At ayoko pong may alitan pa sa pagitan nating dalawa nang dumating ang araw na iyon."

Nakita kong naging maigting ang ekspresyon ni Mr. Leo.

"Mr. Santiago, will you please listen to yourself? Anong klaseng buhay ang maibibigay mo sa pamangkin ko? What kind of a future will she have if she married you? Isa ka lang rakista. Nothing more, nothing less. Panandalian lang rin ang kasikatang matatamo mo sa ngayon. May hangganan rin ang perang malilikom mo sa trabaho mo. Anong gagawin mo pagkatapos nun? Kung tutuusin, madami namang ibang lalaking mas malaki pa ang maiaalok para sa pamangkin ko. In fact, I'm considering an arranged marriage between Nadine and Chad. To assure a happy future for both of them. Something that I know you will never be able to give. So will you please just make things easier and break off your relationship with my niece?" Pagpupumilit niya.

Napabuntong-hininga muli ako.

"Sir, alam ko pong iniisip niyo lang ang makabubuti para kay Nadine. Naiintindihan ko rin naman po kayo. Pero sana po ma-realize niyo na hindi ko po talaga magagawa yung hinihingi niyo sa akin. Nagawa ko na pong iwanan si Nadine noon. At nasubukan na rin niya akong itakwil. Pero sa huli, pareho lang kaming nagsisi. Kasi kahit anong pilit naming lumayo sa isa't isa, sadyang hindi na talaga maglalaho ang mga nararamdaman namin." Sabi ko. "At sa buhay na maibibigay ko sa kanya, wag po kayong mag-alala. My band will disperse soon, and afterwards, I'll inherit my parents' music company. I'll work hard and show you that I am capable of making Nadine happy. I'm going to prove to you that I am worthy. Kaya sana po i-consider niyong bigyan ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko sa inyo." Pakiusap ko.

Lumipas ang ilang sandali, at wala nang nagsalita sa aming dalawa. Napatingin muli ako kay Mr. Leo, at mukhang pinag-iisipan pa rin niya ang mga sinabi ko. Maya-maya'y itinuon muli niya ang titig niya sa akin.

"And what if you fail with your plan?" Tanong niya.

At bago ko pa mapigilan ang sarili ko, may namuong nananalig na ngiti sa mga labi ko.

"There won't be any room for failures, Mr. Gonzalez. I can assure you of that." Pagpapanigurado ko.

Surprisingly, I saw the beginnings of a smile on Mr. Leo's face.

"Then you have to keep your word, Mr. Santiago." Sabi niya, sabay sandig sa upuan niya. "But remember this. The moment na malaman kong nagkakaproblema kayo ni Nadine, ihanda mo na ang sarili mo. Dahil hindi ako mananatiling tahimik sa sidelines. Gagawa ako ng paraan para ilayo sa'yo ang pamangkin ko. Understand?" Deklara niya.

Lumaki lang lalo ang ngiti ko.

"I understand loud and clear, Mr. Gonzalez." Sagot ko.

May namuong maliit na ngiti sa mga labi ni Mr. Leo, at inabot niya ang kamay niya sa akin para makipag-handshake, settling our deal. Lahat ng kaba at pagkailang na naramdaman ko kanina ay agad-agad na naglaho pagkatapos nun. Naging mapanatag na rin ang loob ko sa wakas.

Kasi mukhang may pag-asang maging aprubado si Mr. Leo sa akin. Ang dapat ko lang gawin ay patunayan yun sa kanya. Pero mukhang hindi na yun magiging mahirap. Kasi isa lang naman ang major requirement e. Yun ay mahalin at pasayahin ko ang pamangkin niya.


At alam kong kayang-kaya ko yung gawin.




A/N: GIF used not mine. Credits to the owner/s.



My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Where stories live. Discover now