01

6.6K 215 31
                                    

Chapter 01
| Sandwich |

∞ N I C K I ∞

Halos mabingi ang tainga ko sa ingay ng mga estudyante sa gymnasium. Kaniya-kaniyang cheer ang bawat isa. Partida, practice palang ngayon ng mga varsity players ng basketball pero ganito na katindi ang ingay.  Paano pa kaya sa totoong laban bukas na gaganapin dito pa sa school namin.

Kasama ko ngayon ang bestfriend ko na si Ikay. Nasa harapan kami ngayon ng bleachers kung saan kitang kita lahat ng manlalaro. Pumwesto talaga kami rito dahil ichecheer ko 'yung crush ko na si Kurt at chinicheer din ni Ikay 'yung crush niya na hindi naman niya sinasabi sa akin kung sino. Halos mawalan na nga kami ng boses kakacheer. Well, admirer's duty.

Lumipas ang oras at mabilis lang natapos ang kanilang ensayo.

Halos wala nang estudyanteng nakatambay sa court marahil may mga klase na sila ngunit may iilan pa ring naiwan tulad namin ni Ikay. Ang ibang players ay nagtungo na sa locker room ng gymnasium para makapag-ayos na. Ngunit nandito pa rin si Kurt kasama ang nga tropa niyang varsity players din kaya hindi pa kami umaalis.

Sa pinakadulo ng bleachers kami nakaupo ni Ikay, sapat na para masilayan ko si Kurt. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan siyang naglalaro kasama ang mga kaibigan niya. Habang si Ikay naman ay nag c-cram ng handouts na hindi niya pa nasasagutan pero mamaya na ang due date. Hays, crammer talaga.

"Ikay, tara na, punta tayong canteen. Doon mo na ituloy 'yan. Nagugutom na ako." Pag-aya ko kay Ikay na ngayon ay inaayos na ang gamit niya.

"Tara na," sabi niya at tumayo na.

Nauna akong naglakad kaysa kay Ikay, sumulyap muna ako saglit kay Kurt bago magpatuloy sa paglalakad nang biglang nandilim ang paningin ko.

***

"I'm sorry hindi ko sinasadyang matamaan siya ng bola."

"No, 'pag may nangyaring masama sa bestfriend ko hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo."

"I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya."

Pakurap-kurap kong idinilat ang mga mata ko nang may narinig akong dalawang taong nag-uusap.

Nakita ko si Ikay sa kaliwang bahagi ng kama ko na nakikipagtalo sa lalaki sa kanan ko na familiar 'yung mukha sa akin. Siya yata 'yung captain ng basketball team. Palagi ko siyang nakikitang nangunguna sa lahat eh, so I assumed. Saka siya rin 'yung lalaking nakabangga kay Ikay noon.

"Nicki! Are you okay? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ikay at dali-daling lumapit sa akin.

"Sino ka?" Pagkukunwari kong nakalimutan ang ngalan niya.

Bigla siyang napahinto at tila ba nagtataka sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya at hinawakan ang kamay ko bago magsalita.

"Ha? Hindi mo 'ko nakikilala? Ako 'to si Ikay bestfriend mo," naiiyak na sabi nito at biglang may luha nang pumatak sa kamay ko.

"Hindi kita kilala!" sigaw ko at itinaboy ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Look what you've done! Hindi na ako maalala ng kaibigan ko!" Galit niyang sabi do'n sa lalaki at pinaghahampas 'yung braso nito.

"Hala Ikay joke lang! Kinawawa mo naman si kuya!" Inawat ko si Ikay sa ginawa niya at bigla nalang niya akong niyakap.

"Nicki naman eh! Loko ka talaga. Palagi mo nalang akong pinagtitripan." sabi niya at pinunasan ang luha bago ngumiti.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now