34

2.5K 99 21
                                    

Chapter 34
| Reunion 2 |

∞ N I C K I ∞

Pag gising ko ay nakakulong ako sa yakap ni Dave, nakatitig lang siya sa akin.

"Good morning babe!" bati niya at hinalikan ako sa noo pagtapos ay tinitigan niya ulit ako.

"Huwag mo nga akong titigan." sabi ko at hinawi ko 'yung mukha niya dahil nakakatunaw 'yung titig niya.

Tumayo na ako sa higaan at nagtoothbrush na ako. Gano'n din si Dave.

"Ako na magtotoothbrush sa'yo." sabi niya at inagaw sa akin 'yung toothbrush ko.

Hinawakan niya 'yung baba ko at itinaas ito pagtapos ay tinoothbrush niya ako. Parang mag-asawa lang ang peg! Taray Nicki ah!

Pagtapos ay nagmumog na ako.

Napasilip ako sa bintana at kitang-kita 'yung magandang view ng beach nila.

Nakita kong nagtatampisaw na silang lahat at kami nalang ata ang kulang.

"Tayo nalang pala kulang sa kanila." sabi ko kay Dave.

"Alam ko. Hindi lang kita ginising dahil ayokong maistorbo ka." sabi ni Dave habang nakayakap sa akin.

***

∞ D A V E ∞

Nandito ako ngayon sa duyan. Hinihintay ko si Nicki dahil pinauna na niya ako rito sa beach.

Maya-maya lang ay nakita ko na siyang naglalakad habang hinahangin 'yung buhok niya.

Shet! Ang hot ng girlfriend ko. Naka two piece siya at naka sun glasses.

Well, that's my girl.

Lumapit na ako sa kaniya.

"Ang sexy mo babe." sabi ko.

"Maliit na bagay." pagbibiro niya.

Nakita kong napatulala si Kurt kay Nicki at nakita ko rin na parang nainsulto si Kate do'n.

"Tara na!" sabi ko at binuhat siya.

Tumakbo ako papunta sa dagat habang buhat buhat siya at pagtapos ay dahan-dahan siyang binaba.

"Uy 'wag tayo sa malalim ah!" sabi niya.

"Oo hindi naman kita pababayaan eh." sabi ko.

TInuruan ko si Nicki lumangoy pero kahit na anong turo ko hindi talaga siya marunong.

Nagsiahon na ang lahat samantalang kami ni Nicki ay nandito pa rin dahil binabaon ako sa sand ni Nicki.

"Wait 'wag ka muna gumalaw." utos niya dahil inaayos pa niya 'yung pagkakahulma ng sand sa buong katawan ko.

Nang matapos niya akong tabunan ay nilapit niya 'yung ilong niya sa ilong ko at ninose-to-nose ito.

Tumayo ako at hinabol ko siya.

∞ K U R T ∞

Nagsisisi ako na pinakawalan ko pa siya. Nagsisisi ako na ipinaubaya ko pa siya sa iba. Nagsisisi ako na hindi ako nakapaghintay sa kaniya at nagmadali agad ako.

Ngayon nandito ako sa malayo. Tinititigan siyang masaya sa piling ng iba na dapat ako lang ang nagpaparamdam sa kaniya.

Ewan ko ba bakit ako nagpadalos-dalos sa mga naging desisyon ko at nagawa kong lokohin at iwan siya. I like her. No, I love her.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon