32

2.6K 108 7
                                    

________________________________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

________________________________________________

Chapter 32
| Grocery |

∞ D A V E ∞

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Nicki at tulog pa siya. Siguro masarap ang tulog niya dahil kagabi. Ang saya ko dahil napasaya ko siya.

TInitigan ko lang siya. Kahit na ilang oras ko siyang titigan hindi talaga ako nagsasawang tumingin sa mukha niyang napakaganda.

"Babe gising na. Nandito na boyfriend mo." gising ko sa kaniya.

"Hmm inaantok pa ako." sabi niya at tinakpan 'yung ulo niya ng unan.

"Okay take your time baby." sabi ko at umupo ako sa kama niya. Hinihimas ko lang 'yung buhok niya para marelax siya.

"Maggo-grocery tayo ng baon natin para bukas babe." sabi ko sa kaniya at tuluyan na niyang minulat 'yung mata niya.

"Good morning babe." sabi ni Nicki at niyakap niya ako. Woah tinawag na niya akong babe.

"Ano mahimbing ba tulog ng mahal ko?" tanong ko.

"Medyo. 'Di ako makatulog kagabi sa sobrang saya ko." sabi niya at natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Gano'n ba? Osige na maligo ka na at kumain para makapag grocery na tayo ng mga babaunin natin bukas" sabi ko.

"Sige na ito na." sabi niya at dumiretso na siya sa banyo.

Humiga ako sa kama niya habang naghihintay sa kaniya nang tumawag si Kean.

["Oh bakit napatawag ka?"] tanong ko.

["Pre kasama si Kurt bukas. Okay lang ba?"] tanong niya.

["Sige okay lang, kasama naman ako ni Nicki eh."] sabi ko at ibinaba na 'yung tawag. Bakit ba kasi kailangan sumama no'n eh.

***

N I C K I

Kararating lang namin ni Dave sa pinakamalapit na supermarket sa bahay namin.

Habang naglalakad kami ay hawak niya 'yung kamay ko at 'yung isang kamay naman niya ay hawak 'yung push cart. Ewan ko ba ayaw bitawan 'yung kamay ko eh.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now