05

3.7K 158 36
                                    

Chapter 05
| Lunch |

∞ K U R T ∞

When I first met Nicki, I was really amazed by her beauty. She's very simple yet very beautiful. Hindi siya katulad ng ibang babae na ang kakapal kung mag make-up, na dinaig pa ang clown. I noticed her because of Nicko. Aaminin kong babaero ako pero iba yung pakiramdam ko nung nakasama ko si Nicki sa iisang table. Kakaiba siya sa lahat. Para bang gusto ko na siya agad. Sana pala noon ko pa ginawa 'yon para maaga kong naramdaman ito.

Dadahan-dahanin ko muna ang lahat. Hindi ko mamadaliin ang mga bagay-bagay. Lalo na't kakakilala lang namin sa isa't isa.

∞ N I C K I ∞

Gumising ako nang maaga dahil excited ako mamaya sa lunch namin ni Kurt. Ewan ko ba? tinamaan na ata talaga ako sa kanya. I know that we're too young for this but crush ko lang naman siya eh. Nothing else. Ewan ko kung bakit siya nagyaya. Siguro dahil sa panyo niya.

Kagabi pa lang ay inilagay ko na agad yung panyo niya sa bag ko para hindi ko na makalimutan pa.

Nandito na ako ngayon sa school mag-isa. Si kuya kasi absent dahil may pupuntahan sila ni dad. Ewan ko kung ano yun pero may inaasikaso.

Si Ikay naman absent din dahil may sakit daw siya so 'yon. Naiwan akong mag-isa.

Tahimik lang akong naglalakad nang biglang sumulpot si Kurt.

"Oh Kurt ba't nandito ka?" tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba? Sige aalis na ako." sabi niya at akmang aalis pero pinigilan ko siya kaya napahawak ako sa braso niya. Grabe ang tigas ng braso niya at ang laki, halatang nag gygym siya.

"Panyo mo." ngumiti ako at binigay ko sa kaniya yung panyo niya.

"Ay thank you hahaha." sabi niya at naglakad na kami parehas.

"So dito na 'ko, kita nalang tayo mamaya." paalam ko sa kanya.

"Okay hintayin kita." sabi niya at tuluyan nang umalis.

Mabilis lang lumipas ang oras at ngayon ay lunch na. Papunta na sana ako ngayon sa canteen nang biglang nagring yung phone ko.

Nakita ko ang pangalan ni Dave sa screen ng phone ko.

["May practice ngayon. Pumunta ka agad sa music room."] sabi ni Dave at binaba na niya yung tawag.

Dali-dali akong pumunta sa music room, 'di na ako pumunta sa canteen dahil alam kong alam naman na ni Kurt na may practice.

Pagdating ko ay si Dave lang ang nadatnan ko.

"Where's everyone?" tanong ko.

"No, tayong dalawa lang muna ang magpapractice dahil hindi maganda ang blending ng voice natin." sabi niya at bigla naman akong nag-alala kay Kurt dahil hinihintay niya ako.

"Uhm may number ka ni Kurt?" hindi na ako nahiyang magtanong dahil kaming dalawa lang naman ang narito.

"Naiwan ko phone ko." sabi niya nang hindi tumitingin sa akin dahil inaayos niya yung mic pati na rin yung speaker.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now