45

2.4K 89 4
                                    

Chapter 45
| Dave's Birthday |

∞ N I C K I ∞

Gumising na ako nang maaga at naligo.

Pagtapos ay niready na namin 'yung place at inilagay na rin namin 'yung mga decorations.

Natagalan kami sa pag-aayos dahil malaki 'tong place na 'to. Iniisip ko tuloy kung paano nagawa ni Dave mag-isa 'yung surprise niya sa akin nung birthday ko.

Matapos naming ihanda lahat ng 'yon sa park ay bumalik kami ng bahay para ayusan ako ni Hailee at Ikay.

Excited na akong makitang muli si Dave. Namimiss ko na siya sana successful 'tong gagawin namin at sana ay matandaan na niya kami.

Nagbihis na ako ng dress at inayusan na ako ni Hailee at Ikay. Si Hailee sa make-up at si Ikay naman si hairstyle o diba? Saan ka pa?

Nang matapos nila akong ayusan ay tumingin ako sa salamin.

Napangiti nalang ako.

Lumabas na kami ng kwarto at naghihintay na 'yung boys sa sala.

"Yown nadetect ko na siya." sabi ni kuya.

"Buti naman! Tagal no'n ah." sabi naman ni Kean.

"Oh ano pupunta na ba kami?" tanong ni Leo kay Kurt.

"Sige ihahatid ko na rin sila Nicki sa place. Siguraduhin niyong malinis 'yang gagawin niyo ah." sabi ni Kurt.

"Opo boss." sabi ni Franco.

"Iwan muna kita sweetypie." hirit ni Franco kay Hailee.

"Yuck." sabi naman ni Hailee. Hay nako pakipot pa charot.

Biglang lumapit sa akin si Kurt at bumulong.

"Ang ganda mo Nicki. Nagsisisi tuloy ako na pinakawalan pa kita hays." bulong ni Kurt.

"'Wag kang mag-alala makikita mo rin ang true love mo." sabi ko sa kanya at ngumiti.

D A V E

Nandito kami ngayon nila Ate sa isang restaurant. Niyaya kasi nila akong magdinner dahil birthday ko daw.

Katabi ko ngayon si Tiffany at nasa harap ko si Chandria.

Inexplain na sa akin ni Ate lahat ng nangyari sabakin pero hindi ko pa rin maalala.

Sinabi niya sa akin na 'yung babaeng nagsasabing girlfriend ko raw ay 'yung dahilan kung bakit ako naaksidente.

Sinadya niya raw banggain 'yung motor ko dahil ayaw niyang matuloy 'yung kasal namin ni Tiffany sa isang taon. Ginawa raw niya 'yon dahil pinili ko daw si Tiffany kaysa sa kaniya.

Ang desperada naman ata nung babaeng 'yon para gawin niya sa akin 'yon.

Nevermind ayoko nang pag-usapan pa 'yung nakaraan lalo na't birthday ko ngayon.

"Dave oh." tawag sa akin ni Tiffany at sinubuan ako.

Sweet at caring sa akin si Tiffany pero kahit na ganon parang may kulang eh. Parang mayroon akong hinahanap na hindi ko maintindihan.

Biglang may nagtext sa phone ko. Kean 'yung pangalan. Hay nako hindi ko siya maalala.

'Lumabas ka'

'Yan lang 'yung tanging text niya kaya nacurious ako.

"Hmm excuse me magcr lang ako." sabi ko at kunwari ay pupunta ako sa cr pero lumabas ako.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now