27

2.7K 111 22
                                    

Chapter 27
| I'm Lucky to have Him |

∞ N I C K I ∞

Umaga na at nakatulog na ako sa unit ni Dave. Pag gising ko ay nakayakap pa rin siya sa akin.

Agad akong kumawala sa yakap ni Dave pero hindi pa rin siya nagpapigil.

"Dave naman." suway ko sa kaniya.

"Dito ka muna may sakit pa kaya ako." sabi niya.

"Wala ka ng sakit 'no." sabi ko.

"Dito ka muna sa tabi ko please. Uuwi ka na sa inyo bukas eh." sabi niya.

"Hays." sabi ko naman at wala na akong nagawa.

"Dave pwede favor?" tanong ko at tumingin ako sa kaniya.

"Sige ano 'yon?" tanong naman niya.

"Pwede bang make-upan kita?" tanong ko.

"WHAT!? Are you serious?" gulat na tanong niya kaya siya napahiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"Yes. Eh kasi kailangan kong matuto. Si mommy kasi magpapamake-up sa akin, may occasion siyang dadaluhan eh 'yung mga make-up artist na binabayaran namin puro busy." sabi ko habang kumakamot sa ulo.

"No. Ayoko masisira ang pagkalalaki ko." sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Okay. Masisira rin ang friendship natin." sabi ko at tumayo na. Kinuha ko 'yung bag ko at akmang bubuksan ko na 'yung pinto niya pero pinigilan niya ako.

"Okay fine just for you." sabi niya.

"Hehe meron pa." sabi ko at ngumiti.

"Haaa! Ano 'yon?" yamot na tanong niya.

"Samahan mo ako sa malapit na supermarket please." sabi ko at nagpuppy eyes ako. Sana umipekto.

"Okay. Maliligo lang ako." sabi niya.

"The best ka talaga!" masayang sabi ko at ginulo ko 'yung buhok niya.

Pumunta na siya sa banyo at nagsimula nang maligo.

Naghintay ako sa kaniya habang nakaupo sa kama niya at naglalaro ng games sa phone ko.

Ilang sandali lang ay lumabas na siya sa banyo ng top less. SHET!

Bes ano na hihimatayin ka na ba!?

Agad akong umalis sa kwarto niya at pumunta sa kusina.

Ilang sandali lang ay lumapit na siya sa akin nang nakabihis na.

"Buti naman naisipan mong magbihis." sabi ko.

"Sorry na hahaha." sabi naman niya at tumawa.

"Dave pahiram ako ng t-shirt mo. Kahapon ko pa suot 'tong damit ko eh." sabi ko.

"Sige kumuha ka na sa wardrobe ko." sabi niya at pumunta naman ako sa kwarto niya at tiningnan 'yung wardrobe niya.

Pagbukas ko nung wardrobe niya ay naamoy ko kaagad 'yung pabango niya. Yung pabangong nakakaadik.

Kumuha na ako ng plain white t-shirt at pumunta na ako sa cr niya para magbihis.

Pagtapos ko ay lumabas na ako sa banyo at nakita ko siyang naghihintay.

"Tara na?" sabi ko at lumabas na kami ng unit niya.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now