15

2.7K 124 32
                                    

Chapter 15
| Graduation |

∞ N I C K I ∞

Isang buwan na ang lumipas. Nanatili lang kami ni Kurt na MU. Araw-araw kaming nagcha-chat at araw-araw din kaming nagkikita sa school. Lagi naming tambayan 'yung library kung saan tahimik at wala masyadong tao. Sa isang buwan na 'yon mas lalong lumalim ang pagkakakilala ko sa kaniya. Para bang I want to spend my whole life with him. Hindi ko na siya kayang mawala pa. Four years akong nagka-crush sa kaniya at almost four months din kaming mag-MU. Hindi 'to alam ni kuya.

Actually, kaming dalawa lang ang nakaka-alam. Minsan ay lumalabas din kami pero patago. He's still sweet and caring. Parang lagi ko nalang na-iimagine na asawa ko na siya. Sana nga siya na talaga.

And at this moment graduation na nila. Ang bilis ng panahon no? At bukas naman gaganapin 'yung Junior at Senior prom. Bukas ng gabi.

Ay ayan na! Aakyat na si Kuya!

"Patrick Nicko S. Cuevas"

"First Honorable Mention"

Pag-akyat ni kuya kasama si Mommy at Daddy ay agad ko silang kinuhanan ng picture. Infairness ang ganda ng shots ko do'n ah!

Pagtapos ay bumalik na ako sa pwesto ko. Tinawag na nila 'yung Salutatorian- hindi ko siya kilala so pinalakpakan ko nalang. Nagulat ako nung tatawagin na 'yung susunod.

"Christofer Dave F. Castillo"

"Valedictorian"

Tumayo ako at pinicturan si Dave. Pagtapos ay pinalakpakan ko siya. Ngumiti siya kaso parang pilit or may kulang. Parang hindi siya totally masaya.

This past few days napansin kong madalang ko na lang siya makita at pag nakikita ko naman siya umiiwas siya. I tried to chat him kaso hindi na siya nag-oonline. Gusto ko siyang kamustahin kaso lumalayo siya sa akin. Hindi man lang siya ngumiti sa akin pag nakikita niya ako. Parang ang cold na niya. Akala ko pa naman bestfriend na kami. But no, parang nagbago ang lahat, ewan ko kung bakit naging gano'n eh wala naman akong ginawang masama sa kaniya.

Umupo na ako at tiningnan 'yung mga picture na kinuha ko. May picture rin ako ni Kurt dito. Sayang nga at wala siyang award. Hindi kasi nagsisipag.

Natapos na ang graduation at nandito ako ngayon sa stage dahil nag family picture kami kasama ang grumaduate kong kuya.

"Congrats kuya! Graduate ka na!" bati ko sa kaniya at niyakap ko siya.

"Salamat babygirl." sabi niya at pinisil 'yung pisnge ko.

"Yuck! Di na ako baby kuya." sabi ko.

"Hahaha para sa akin ikaw pa rin ang babygirl namin."

Biglang sumulpot si Kurt.

"Hi Nicko! Congrats!"

"Salamat bro! Congrats din!" sabi ni kuya at tinapik si Kurt sa likod.

"Hahaha salamat!"

"Ay teka. May picture na ba kayo ni Nicki?" tanong ni kuya. What?

"Huh? Wala pa."

"Picturan ko kayo." sabi niya at kinuha sa akin 'yung camera.

"1.2.3."

Ngumiti ako at inakbayan naman ako ni Kurt.

"Graduation gift ko na yan sa'yo bro." sabi ni kuya.

"The best gift bro! Salamat!"

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now