44

2.3K 85 3
                                    

Chapter 44
| Preparation |

∞ N I C K I ∞

Umaga palang at wala pa sila Ikay.

Kami lang ni kuya ang nandito sa bahay dahil may kailangan daw asikasuhin sila mommy ngayon kaya hindi sila makakauwi ngayong gabi.

Naligo na ako at si kuya naman ay tulog pa. Tulog mantika talaga 'yon.

Matapos kong maligo ay bumaba na ako sa kusina para tingnan kung anong pagkain.

Pagkita ko ay adobo 'yung ulam. My favorite.

Kumain na ako at habang kumakain ako ay naalala ko 'yung luto ni Dave. Naalala ko nung pinagluto niya ako ng adobo.

Namimiss ko na talaga siya. Kaso hindi niya ako namimiss dahil hindi niya ako kilala.

Pagtapos kong kumain ay agad akong umakyat sa room ko at kinuha ko 'yung cellphone ko.

Tinawagan ko si Dave.

Pero hindi niya ito sinasagot.

Trinay kong itext siya.

'Babe? How are you? Naaalala mo na ba ako?'

'Babe this is Nicki'

'I miss you'

'I love you'

'I can't wait to see you again'

'Sana maalala mo na ako'

'May mga pictures tayo sa gallery mo at magbackread ka sa text messages natin baka sakaling maalala mo ako'

Flinood ko lang siya hanggang sa magreply siya.

'Who are you?' tanong niya. Shet 'di pa rin ba niya ako naalala.

'I'm your girlfriend'

'I don't have a girlfriend'

'Tingnan mo 'yung gallery mo. Then you'll see'

'My gallery is empty kaya 'wag mo akong pinaglololoko'

'You'll remember me someday :)'

Hindi na siya nagreply at hindi ko na rin siya kinulit.

May nagdoorbell na at paniguradong sila Ikay na 'yon.

Pagbukas ko ng pinto ay sila na nga. Kumpleto na agad sila.

Sabay sila ng boys kasi sinundo pa nila 'yung girls.

Pinapasok ko na sila at lahat sila ay may dalang mga bag hahaha ano 'to camping?

Pinalagay ko na 'yung mga bag nila Ikay at Hailee sa kwarto ko.

Tapos 'yung bag ng boys sa kwarto ni kuya. Hahaha napagtripan na siguro 'yon.

Tulog eh.

Nauna kaming lumabas ng girls at nilista na namin 'yung mga bibilhin namin para sa decorations or art materials gano'n.

'Di rin nagtagal ay lumabas na 'yung boys.

Lumabas nang nagtatawanan sila Franco at nagtataka naman kami. Sumunod na lumabas si Kuya Nicko na may make-up hahaha sabi na eh napagtripan na naman 'yan hahaha.

Tumawa rin kami kaya nagtaka na siya. Tumingin siya sa salamin at nakita niya 'yung mukha niya.

"Bwiset sino may gawa nito?" galit na tanong ni kuya Nicko.

PAST or PRESENTUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum