26

2.6K 115 27
                                    

Chapter 26
| Lovenat |

∞ N I C K I ∞

Bigla akong nagising dahil biglang nagring 'yung phone ko.

"Hello?" sagot ko.

["Good morning baby ko."] sabi niya sa kabilang linya at narinig ko ang pag-ubo niya.

"Good morning! Inuubo ka ba?" tanong ko.

["Ah oo eh. Medyo mainit nga rin ako ngayon eh. Sorry Nicki hindi kita mapapasyal ngayon."] paumanhin niya.

"Okay lang 'no ka ba? Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko. Bakit ba? concern ako eh.

["Hindi pa nga eh. Wala na kasi akong stock na gamot dito."] sabi niya.

"Sige pupunta ako d'yan dadalhan kita ng gamot." sabi ko at bumangon na ako sa kama.

["Nako 'wag na. Okay lang ako."] tanggi niya.

"Pupunta ako d'yan." sabi ko.

["'Wag n—"] pinutol ko kaagad 'yung sasabihin niya.

"Isa! Sinabing pupunta ako eh."

["Hays sige na nga."] sabi niya. Titiklop din pala.

"Sige na bye na. Magpahinga ka muna, hintayin mo ako d'yan." sabi ko at ibinaba na 'yung tawag.

Nagmadali na akong maligo at nagbihis na ako.

Pagtapos ay pumunta agad ako sa bilihan ng gamot at bumili na rin ako ng prutas para naman makakain siya.

Pagtapos ay nagmadali akong pumunta sa condo unit niya.

Pagdating ko ay naabutan ko ang sandamakmak na kalat. Hay nako mga lalaki talaga 'di marunong maglinis.

Nilagay ko na 'yung prutas sa mesa niya, kumuha ako ng isang basong tubig at dinala ito sa kwarto niya.

Nadatnan ko siyang tulog.

Gigisingin ko sana siya pero pag hawak ko sa braso niya sobrang init.

Hala Nicki! Ikaw kasi eh, nagpaulan pa kasi kayo eh.

Ginising ko siya para painumin siya ng gamot.

"Dave." tapik ko sa kaniya at nagising naman siya.

Minulat niya ang mga mata niya nang walang gana.

"Uminom ka muna. Ang taas ng lagnat mo oh." sabi ko at isinubo sa kaniya 'yung gamot at inalalayan ko siyang makainom ng tubig.

"Kumain ka na ba?" tanong ko pero umiling lang siya. Namumutla na 'yung labi niya.

Agad naman akong pumunta sa kusina niya. Hala paano 'to? Hindi pa naman ako marunong magluto.

Tiningnan ko 'yung ref niya pero walang laman. Hays nagref ka pa.

Tumingin ako kung may canned goods pero wala na rin. May nakita akong oats. 'Yon nalang 'yung natatanging pag-asa ko.

Tinimpla ko na ito at agad akong pumunta sa kwarto niya.

Ay kailangan pala ng maligamgam na tubig at tuwalya.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now