24

2.6K 110 18
                                    

Chapter 24
| Broke |

∞ D A V E ∞

Hindi ko kayang nakikitang nagkakaganito si Nicki dahil sa walang kwentang Kurt na 'yon. Kung alam ko lang na gano'n lang ang gagawin ni Kurt kay Nicki matagal ko nang inagaw si Nicki sa kaniya.

Nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.

Umiiyak dahil sa ibang lalaki.

∞ N I C K I ∞

"Dave bakit ako nagawang saktan ni Kurt?" tanong ko.

"Nicki he's not worth it." maikling sagot niya.

"Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan!" sigaw ko. Alam kong walang makakarinig sa amin kasi open space ito. Kami lang ni Dave ang nakadiskubre ng lugar na ito.

"Hahayaan kong ilabas mo 'yang galit at sakit na nararamdaman mo." sabi niya.

Humagulgul na ako sa iyak at sumigaw.

"Sabi mo maghihintay ka! Sabi mo ako lang ang laman ng puso mo at wala nang iba."

"Nasaktan ako pero kahit na gano'n naghintay ako sa'yo pero anong madadatnan ko? May kasama ka nang iba."

"Ang sakit! Sobrang sakit." sigaw ko at niyakap ako ni Dave.

Hindi ko alam kung bakit lagi nalang akong iniiwan ng mga taong mahal ko. 'Yung mga taong darating sa buhay ko pero hindi rin magtatagal ay nawawala rin sila.

Gano'n ba ako kadaling lokohin para ipagpalit nalang nang basta-basta?

Gano'n ba ako katanga para ipaniwala na mahal niya ako kahit na 'yung totoo may iba siyang mahal?

Gano'n ba ako kadaling iwan at saktan?

Ginawa ko naman ang lahat para mas maging maayos ang lahat pero sa huli ako pa rin pala ang masasaktan. Ako pa rin pala ang aasa. Ako pa rin pala ang iiyak. Ako pa rin pala ang nagpapakatanga sa kaniya.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil napaniwala niya akong mahal niya ako kahit na 'yung totoo niloloko lang pala niya ako.

Tao rin naman ako. Nasasaktan!

Parang ayoko nang mabuhay sa mundong puno ng kalokohan.

Ayoko nang magtiwala ulit sa mga tao.

Sa mga taong papasayahin ka pero sa dulo sasaktan ka lang pala.

Sa mga taong magsasabi sa 'yong mahal ka nila kahit na 'yung totoo naglolokohan nalang pala.

Sa mga taong umaalis pero bumabalik pa sa buhay ko para saktan ako.

Bakit nga ba ang lakas ng loob nilang mang-iwan? Dahil ba alam nilang may babalikan sila? May babalikan silang isang katulad ko na nagpapakatanga sa kanila.

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ba? Bakit ba gano'n nalang akong kadali iwanan at saktan?

Hindi pa ba ako sapat? Marami pa bang kulang sa akin?

ANG SAKIT! SOBRANG SAKIT! ANG TANGA TANGA KO.

Humagulgol lang ako kay Dave.

Bakit nga ba hindi na lang siya ang minahal ko? Bakit nga ba naghanap pa ako ng iba kung nandito naman siya?

Bakit kailangan ko pang masaktan sa iba kung alam kong nandito naman siya para pasayahin ako?

Sana siya nalang ang minahal ko para hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana siya nalang.

D A V E

Nicki sana ako nalang 'yung minahal mo. Ipapangako ko sa 'yo na hinding hindi kita sasaktan. Hinding hindi ko gagawin sa'yo 'yung mga ginawa ni Kurt sa'yo.

He's not worth it.

Ang tanga ko na ipaubaya ka sa kaniya.

Simula ngayon hindi ko na hahayaan pang masaktan ka ng iba.

Simula ngayon sisiguraduhin kong hindi ka na masasaktan pa.

Sa kakaiyak niya inantok siya at nakatulog sa yakap ko.

TO BE CONTINUED

***

Sorry kung ang onti lang ng chapter na 'to. Babawi ako promise! Lalo na sa mga DACKI FANS babawi ako sainyo mwah :*

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now