41

2.4K 97 1
                                    

Chapter 41
| Closure |

∞ N I C K I ∞

Hindi ko alam kung saang lugar 'to pero parang ang peaceful ng dating. Makikita mo 'yung mga city lights mula rito. Sakto gabi ngayon.

Puro damo lang 'yung nasa paligid namin at kaming dalawa lang ni Kurt ang nandito.

Bumili rin siya ng maraming soda para maiinom namin.

Pero di ko alam kung anong gagawin namin dito.

"Nicki may sasabihin ako sa'yo." sabi ni Kurt kaya napatingin ako sa kaniya.

Tinatry kong pakisamahan siya nang mabuti kahit na medyo mahirap.

Hindi nga naging kami pero parang kami noon. Kaya di ko makakalimutan 'yon. 'Yung panlolokong ginawa niya.

"Napaka-tanga ko na pinakawalan pa kita" sabi niya sa malungkot na tono.

"Pero mas tanga ako na nagpaloko ako sa'yo." sarcastic na sabi ko at ngumisi.

"I know I'm so stupid to do that." sabi niya. Seryoso na talaga siya.

"It's too late Kurt. May mahal na akong iba." sabi ko.

"I know." sabi niya at may pumatak na luha galing sa mata niya.

"Nicki mahal na mahal kita at ngayon ko lang nalaman 'yon nung nakita kitang masayang kasama si Dave. That was supposed to be me and not him. Ikaw kasi 'yung tipo ng babae na once na minahal mo mamahalin mo na talaga nang sobra pero nagpakatanga ako kaya kita naloko. Nabulag ako kaya ko nagawa iyon." sabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"Kurt matagal na kitang pinatawad at matagal na rin kitang kinalimutan." sabi ko at ngumiti.

Oo totoong pinatawad ko na siya. Minsan nga lang di maiwasang maalala kong muli 'yung mga ginawa niya sa aking masasakit. Pero matagal na akong nagpatawad simula nung mahalin ko si Dave.

He taught me how to forgive and to be happy. Kaya hindi ko kayang mawala siya sa akin.

"Nicki wala na ba talagang second chance? Wala na ba talaga akong pagkakataon para ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal? Kasi Nicki handa akong gawin lahat mapasa'kin ka lang ulit." sabi niya at naluha ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Nicki pwede bang tayo nalang? Tayo nalang ulit? Kahit na hindi naging tayo noon ipaparanas ko sa'yo kung ano 'yung totoong tayo."

"Kurt siguro tama na 'yung mga pinagdaanan natin noon. Sapat na sa akin na nakilala kita at minsan na kitang minahal. Sapat na sa akin 'yon. Masaya na ako ngayon, sana maging masaya ka na rin ngayon." sabi ko at sunod-sunod na pumatak 'yung luha ko.

"Paano ako magiging masaya kung 'yung taong minahal ko ay nasa iba na? Hinding hindi kita makakalimutan Nicki. Maybe this is enough for us. Siguro nga tama na. Ayoko na ring masaktan ka pa. Ayokong nang umiyak ka pa dahil sa kagagawan ko. Maybe this is the right time para palayain ka para maging masaya ka. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako palagi para sa'yo hindi man sa pagiging mahal kundi sa pagiging kaibigan." sabi niya at niyakap ako.

Napaiyak nalang ako sa sinabi niya.

"Ang panget mo Kurt pag umiiyak." pagputol ko sa kadramahan naming dalawa.

PAST or PRESENTМесто, где живут истории. Откройте их для себя