30

2.6K 104 8
                                    

Chapter 30
| Amusement Park |

∞ N I C K I ∞

2 years na akong nililigawan ni Dave. Hindi siya tulad ng lalaki na sa simula lang magaling dahil araw-araw siyang sweet sa akin. He never fails to make me happy everyday. Minsan mang hindi kami magkasama palagi pa rin niya akong tinatawagan, halos buong magdamag kaming magkausap sa telepono at kung minsan ay kinakantahan pa niya ako. Gustong gusto ko na siyang sagutin pero bawal pa sabi ni daddy pero maybe this time pwede na dahil mag-20 years old na ako and tapos na ako sa pag-aaral ko.

***

"Wake up my love." bulong sa akin ng isang familiar na boses.

Iminulat ko na 'yung mata ko at nakita kong ang lapit ng mukha ni Dave sa mukha ko kaya nagulat ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Pinayagan ako ni daddy, ay este ni tito na pumunta sa kwarto mo." sabi niya at tumabi pa sa akin.

Agad naman akong tumayo at naghilamos ng mukha. Nagmumog na rin ako dahil nakakahiya.

"So bakit ka nga nandito? I mean bakit ka naparito?" tanong ko.

"Miss na kita eh." sabi niya.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko habang inaayos 'yung higaan ko habang nakahiga siya.

"Tumayo ka nga dyan." utos ko.

"Saan mo gustong pumunta ngayon? Ipapasyal kita lablab ko!" sabi niya at lumapit sa akin.

"Uhm do'n sa bagong tayo na amusement park." sabi ko naman.

"Bakit naman do'n pa?" tanong niya.

"Eh gusto ko ng rides eh." sagot ko.

"I hate rides." sabi niya.

"I love rides." sabi ko.

"Okay fine do'n tayo pupunta." sabi niya at nagmadali na akong maligo.

***

Nandito na kami ngayon sa amusement park at sobrang nae-excite akong sumakay sa mga rides. Medyo matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta sa mga gan'to eh. Dati lagi kong kasama si kuya pag pupunta kami sa mga gan'to. Habang hawak-hawak ko 'yung kamay ni Dave ay medyo naramdaman kong nanginginig siya.

"I've never done this before." sabi niya at halata sa mukha niya 'yung kaba.

"Don't worry I'm here." sabi ko at hinigpitan ko 'yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Do'n muna tayo sa bump car para medyo easy muna." sabi ko sa kaniya at hinila siya sa direksyon kung nasaan 'yung bump car.

Magkahiwalay kami ng ginamit na car para mas exciting. Pwede ko siyang banggain.

Nagsimula nang paandarin 'yung mga kotse at nagsimula na rin akong banggain siya. Pero habang tumatagal ay hindi ko na siya nababangga dahil magaling siyang magdrive.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now