46

2.4K 89 2
                                    

Chapter 46
|Stuck with HIM|

∞DAVE∞

Tiningnan kong muli si Nicki sa likod.

Bakit ba naawa ako sakanya? Bakit ba hindi ko siya matiis?

"Kuya balikan po natin yung babae" utos ko sa driver at agad naman nitong sinunod yung utos ko.

Binuksan ko yung pinto at lumabas.

"Pumasok ka" sabi ko sakanya habang nakaupo siya sa sahig at nauulanan.

Tiningnan lang niya ako kaya sumakay na ako. Kung ayaw niya edi wag.

Pero sumunod naman siya.

Pinaandar na nung driver yung taxi.

"D-Dave hindi mo na ba talaga ako naalala?" tanong niya. Paulit-ulit nalang ba?

"Pag sinabi kong hindi. Hindi" sabi ko ng hindi tumitingin sa mata niya.

"Ayaw mo na ba talagang alalahanin kung sino talaga ako?" tanong niya. Hays.

"Wala akong panahon para sa'yo" maikling sabi ko.

Napatingin ako sakanya at nakita kong basang-basa siya, ng ulan at luha niya.

Nakakaawa siyang tingnan.

"Dave please. Give me a chance para ipaalala ang lahat ng kung ano man ang meron tayo noon" pagmamakaawa niya.

"For what? Para maagaw mo ako kay Tiffany? Para ikaw ang pakasalan ko at hindi siya? Para ikaw ang piliin ko kesa sakanya? Alam mo nagmumukha ka ng desperada sa ginagawa mo. Maawa ka naman sa sarili mo" sabi ko. Hindi ko na macontrol yung galit ko kada maalala ko kung anong ginawa niya sa akin.

Matapos kong sabihin yun ay tumahimik na siya at umiiyak ng tahimik. Bakit ba siya ganyan?

Kada magbibitaw ako ng masasakit na salita sakanya ako yung nasasaktan sa mga salitang iyon.

Ano ba talaga siya sa buhay ko noon?

Naguguluhan na ako.

Sa kalagitnaan napatingin ako sa dinadaanan namin.

Teka mali 'to ah.

"Kuya mali po ata yung nadaanan natin" sabi ko dun sa driver pero tuloy-tuloy parin siya sa pagmamaneho at mas lalo pa niyang binilisan. G*go 'to ah.

"Itigil mo!" utos ko pero hindi niya ito sinunod. Nakita ko sa salamin na namumula yung mata niya. Adik ata 'to.

Hindi ko na alam yung lugar na 'to at medyo malayo na ata 'to sa alam ko.

Nakita kong kinakabahan na si Nicki. Dagdag pa sa nararamdaman niya yung lamig dahil naulanan siya at aircon 'tong taxi na 'to.

"Sabi nang itigil mo yung sasakyan" sigaw ko pero hindi parin niya ito itinigil.

May nakita akong tali at isinakal ko ito sa driver.

Buti nalang at itinigil niya ito.

Pagtapos ko siyang sakalin ay lumabas na ako. Lumabas na rin si Nicki.

Tumakbo na kaming dalawa ang kaso ay nahuli siya nung adik na driver.

Nagpumiglas si Nicki dun sa driver pero masyado atang malakas yung driver.

Tumakbo ako pabalik at pinaulanan ko ng suntok yung driver.

Nung hindi na siya makabangon ay hinawakan ko na yung kamay ni Nicki at tumakbo na kaming dalawa.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon