06

3.7K 171 48
                                    

Chapter 06
| Night with HIM |

∞ N I C K I ∞

Natapos na lahat ng klase ko at pumunta na ako sa music room dahil may practice na naman daw sabi ni Dave but this time 'yung buong banda na raw.

Aaminin ko irita ako kay Dave kasi isa siya sa dahilan kung bakit hindi ako nakasipot kay Kurt kanina pero hindi ko naman siya masisisi dahil kulang naman talaga kami sa blending.

Pagpasok ko sa music room ay bumungad agad sa akin si Kurt.

"Uhm Kurt." tawag ko sa kaniya.

"Oh Nicki."

"Uhm sorry ah! Hindi ako nakasipot kanina." paumanhin ko.

"It's okay. I understand." sabi niya at ngumiti.

Ngumiti rin ako at umalis na siya sa harap ko. Naramdaman kong naging cold yung pakikitungo niya sa akin. Nako Nicki! Minus point ka na naman.

Pumwesto na ako sa tabi ni Dave. Nagsimula na kaming magpractice. Medyo gumanda naman ang blending namin dahil siguro nagpractice kami kanina.

Pagtapos ay nagusap-usap kami tungkol sa plano. Mabilis ko naman naunawaan at mabilis rin akong nakarecover sa kanila.

Uwian na ngayon at magcocommute ako nang walang kasabay dahil wala si kuya. Si Kurt naman ay hindi man lang nagpaalam bago umalis or 'di man lang lumingon. Naiintindihan ko naman siya dahil kasalanan ko naman talaga.

Habang naghihintay ako ng masasakyan biglang may tumigil na motor sa harap ko.

"Nicki binilin ka sa akin ng kuya mo, ihatid raw kita sa inyo." sabi ni Dave.

"Huh? No hindi na. Kaya ko." sabi ko at bigla siyang bumaba at inilagay sa ulo ko 'yung helmet.

Habang nilalagay niya 'yung helmet ay magkalapit ang mga mukha namin. 'Di ko maiwasang 'di tumingin sa mukha niya. 'Di ko maitatanggi na ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin para sa akin si Kurt.

"No, binilin ka sa akin. Magagalit 'yon 'pag 'di ko siya sinunod. Saka peace offering na rin dahil sa nagawa ko sa'yo. Kaya tara na." sabi niya at sumakay na siya sa motor niya.

Medyo natatakot ako dahil first time kong sasakay sa motor. Inalalayan naman ako ni Dave na makasakay. Pagsakay ko ay humawak ako sa balikat ni Dave.

Biglang umandar yung motor kaya napayakap ako kay Dave. Nahawakan ko 'yung muscles niya at naramdaman ko ring nagflex ito kaya agad kong itinanggal 'yung kamay ko.

Inilagay ko na 'yung kamay ko sa balikat ni Dave at nagsimula na kaming umandar. Dahan-dahan na lang ang takbo niya dahil sinabi ko sa kaniyang first time kong makakasakay ng motor.

Nakarating na kami sa bahay at binaba na niya ako.

"Thank you Dave." sabi ko at ngumiti.

Biglang nagring yung phone ko. Kasunod naman nun ay ang pagring ng phone ni Dave.

Mom's calling~

"Excuse me." sabi ko kay Dave.

"Hello Mom?" sagot ko.

["Anak nandito kami ngayon ng Daddy mo sa Baguio. May biglaang meeting siya at sinama niya ako dahil kailangan niya ng makakatulong. Ang kuya mo naman ay nasa bahay ng tita mo dahil hindi pa niya tapos yung inaasikaso niyang mga papeles kaya do'n muna siya matutulog. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. Isarado mo maigi 'yung pinto ah."]

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now