31

2.5K 108 23
                                    

_________________________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

_________________________________________

Chapter 31
| My Birthday |

∞ N I C K I ∞

Alam kong birthday ko ngayon at dapat masaya ako pero hindi ko alam kung bakit kahit na anong gawin ko nalulungkot ako dahil hindi makakapunta si Dave dito sa bahay. Iniisip ko tuloy kung gaano kaimportante sa kaniya 'yung aasikasuhin niya kaysa sa akin. Nakakatampo.

"Happy Birthday Anak!" bati sa akin nila mommy at daddy habang dala-dala 'yung cake.

Uminat muna ako bago umupo sa kama. Yes kagigising ko lang.

"Thank you mommy, thank you daddy." pasalamat ko at hinalikan sila sa pisnge.

"Oh blow your candle na! Make a wish!" utos sa akin ni daddy.

'Sana maging masaya ako sa araw na ito' wish ko at binlow ko na 'yung candle.

"Oh anak bumaba ka na at naghanda kami ng daddy mo." sabi ni mommy.

"Mamaya na po mommy." sabi ko at ngumiti.

"By the way, magbihis ka ng maganda. Aalis tayo." sabi ni mommy at nagtaka naman ako kung saan.

"Saan po tayo pupunta mommy?" nagtatakang tanong ko.

"Basta." sabi niya.

***

It's already 6:15pm. At hindi ko alam kung bakit kami aalis nila daddy ng gan'tong oras.

Nagbihis na ako ng cocktail dress. Ewan ko kay mommy pero ito 'yung pinasuot niya sa akin tapos minake-upan niya ako 'yung simple lang pero maganda.

Nakakapagtaka lang na ako gan'to 'yung suot samantalang sila polo lang. By the way, si mommy at daddy lang 'yung kasama ko sa bahay dahil bumalik na si kuya sa America noong nakaraang buwan.

"Anak tara na." sabi sa akin ni daddy at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

"Saan po ba tayo pupunta daddy?" tanong ko.

"Basta! Since you're 20 now. Do whatever you want." sabi niya at nagdrive na.

Nagtataka talaga ako sa mga kinikilos nila. Never sila naging gan'to sa akin before pero ano nakain nila at naging gan'to sila? Dahil ba 'to sa luto nila kanina?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now